Malugod na nagpaunlak ng interview ang duo ng Air Supply na sina Graham Russel and Russel Hitchcock sa presscon na inilaan ng producer ng kanilang MANILA, Philippines - concert, Grand Leisure Corporation na magaganap ngayong gabi sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Pasay City.
Sa pakikipag-usap nina Graham at Russel sa press, nabanggit nilang ibig din nilang makatulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte at sa iba pang parte ng Kabisayaan.
Nasabi ng dalawa na parte ng kanilang kikitain sa concert ay inilalaan nila sa goodies na ibibigay sa biktima ng bagyo.
Sobrang nanglumo sina Graham at Russel sa sinapit ng mga biktima ng bagÂyo kaya gayun na lang ang pagnanais nilang makabalik ng Pilipinas at magkaÂroon ng muli ng concert. Fully booked ang schedule ng duo sa kanilang concert. Pagkatapos ng Manila concert nila ay tutuloy sila ng Beijing, China, at susunod ang iba pang Asian countries.
Nabanggit ng dalawa sa kanilang interview na 270 days ng kanilang buhay ay nasa iba’t ibang panig sila ng daigdig para mag-concert.
Gusto naman nila ang ganitong sitwasyon dahil marami silang napapasaya.
Sa concert nilang ngayong gabi sa Solaire ay may apat na bagong awitin ang kanilang iparirinig sa kanilang fans. Magri-release sila ng bagong album sa early 2014.
Ginawa nila ang kanilang bagong awitin na danceable dahil ito ang nauuso ngayon sa mga kabataan. Kaya hindi lang hits na Lost in Love ang Now and Forever ang mapapakinggan kina Graham at Russel.
Sa mga gustong manood ng Air Supply Concert sa Solaire, puwedeng kumontak sa 02-527-7428, 0926-592-7593 look for Joanna at Elvie, o mag-e-mail: grandleisure.adm@gmail.com.