^

PSN Showbiz

Air Supply magdo-donate rin galing sa concert

Pilipino Star Ngayon

Malugod na nagpaunlak ng interview ang duo ng Air Supply na sina Graham Russel and Russel Hitchcock sa presscon na inilaan ng producer ng kanilang MANILA, Philippines - concert, Grand Leisure Corporation na magaganap ngayong gabi sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Pasay City.

Sa pakikipag-usap nina Graham at Russel sa press, nabanggit nilang ibig din nilang makatulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte at sa iba pang parte ng Kabisayaan.

Nasabi ng dalawa na parte ng kanilang kikitain sa concert ay inilalaan nila sa goodies na ibibigay sa biktima ng bagyo.

Sobrang nanglumo sina Graham at Russel sa sinapit ng mga biktima ng bag­yo kaya gayun na lang ang pagnanais nilang makabalik ng Pilipinas at magka­roon ng muli ng concert. Fully booked ang schedule ng duo sa kanilang concert. Pagkatapos ng Manila concert nila ay tutuloy sila ng Beijing, China, at susunod ang iba pang Asian countries.

Nabanggit ng dalawa sa kanilang interview na 270 days ng kanilang buhay ay nasa iba’t ibang panig sila ng daigdig para mag-concert.

 Gusto naman nila ang ganitong sitwasyon dahil marami silang napapasaya.

Sa concert nilang ngayong gabi sa Solaire ay may apat na bagong awitin ang kanilang iparirinig sa kanilang fans. Magri-release sila ng bagong album sa early 2014.

Ginawa nila ang kanilang bagong awitin na danceable dahil ito ang nauuso ngayon sa mga kabataan. Kaya hindi lang hits na Lost in Love ang Now and Forever ang mapapakinggan kina Graham at Russel.

Sa mga gustong manood ng Air Supply Concert sa Solaire, puwedeng kumontak sa 02-527-7428, 0926-592-7593 look for Joanna at Elvie, o mag-e-mail: [email protected].

AIR SUPPLY

AIR SUPPLY CONCERT

CONCERT

GRAHAM RUSSEL

GRAND BALLROOM

GRAND LEISURE CORPORATION

KANILANG

NOW AND FOREVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with