Kapuso stars makikitakbo sa Superbook agents

MANILA, Philippines - Makitakbo na katabi ang mga paboritong artista sa first ever na Superbook Fun Run na tinawag na Ready…Gizmo…Go! sa Dec. 14, 4:30 a.m., sa 34th Street, Bonifacio Global City (sa tabi ng Mercato) sa Taguig City.

Makakatakbo ng Superbook agents ang mga Kapuso star na sina Sheena Halili, Bettina Carlos na kasama pa ang daughter na si Gummy, at Benjamin Alves. Kabilang din si ventriloquist Ruther Urquia ng Pilipinas Got Talent. Lahat sila ay sasama sa Superbook fun run na ang CBN Asia Family of Ministries ang beneficiary. Ang ilan sa tinutulungan nito ay ang Operation Blessing, CBN Asia Prayer Center, the Asian Center for Missions, at CBN Asia Media (The 700 Club Asia, Superbook, at Tanikala).  

Sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Derrick Monasterio, Louise delos Reyes, at Christian Bautista ay tumutulong naman na humikayat ng kani-kanilang tagahanga para suportahan ang Superbook Fun Run.

Ang benefit fun run ay isang paraan para pagsama-samahin ang mga pamilya, kaibigan, at fans ng Superbook, ang animated Bible series na bida sa istorya sina Gizmo, Chris, at Joy.

Masisiyahan ang mga bata na makita ng face-to-face si Gizmo sa meet-and-greet session pagkatapos ng fun run.  May special treat pang naghihintay sa fun run participants dahil may libreng palabas ng isang Superbook episode.

Ang fun run ay may 3K, 5k, at 10k na kategorya.

Show comments