^

PSN Showbiz

Angel umangal, nali-link sa may asawa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nabasa namin ang sagot ni Angel Locsin sa Twitter sa pagli-link sa kanya kay Marco Lobregat: Sabi nito: “Hindi ako mahilig magsasagot sa mga intriga, pero for the sake na ma-clear lang...’di kami magkakilala. Pls. stop this issue at kagagaling ko lang sa break-up.”

Itinanggi rin naman ni Marco Lobregat ang issue sa kanila ni Angel at tweet nito: “Nice to see @143redangel fans that want the best for her. I’m a fan too but, I unfortunately have never had the pleasure of meeting her yet.”

Ayan, malinaw, parehong nag-deny sina Angel at Marco sa kanilang dalawa at hindi pa pala sila magkakilala. Natawa si Marco na may nag-o-offer na ipakilala siya kay Angel dahil ngayon pa lang, may mga kinikilig na sa kanila.

Kilala itong si Marco Lobregat na heartthrob sa Ate­neo noong nag-aaral pa, sikat na commercial model at columnist ng Philippine Star at ngayon ay mushroom farmer. Pero tama ba kaming nag-asawa itong si Marco Lobregat?

Maricel pinupuri si Vice kahit ‘naapi’ sa billing

Malaki ang tiwala ni Maricel Soriano kay Vice Ganda at kahit first time niya itong makasama sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy, binigyan niya ito ng 10 percent rating sa husay na komedyante sa ratio na one to 10 percent. “Inay” na rin ang tawag ni Vice sa Diamond Star na tawag sa kanya ng kapwa artista.

Hindi natanong si Maricel sa isyu ng billing niya sa unang labas ng poster ng  movie, pero kung nagtampo man ito, sa producers lang dahil sila ni Vice at lalo na si Direk Wenn Deramas, hindi naging isyu ang billing ng aktres.

Kinuwento nga ni Direk Wenn na tumatawag sa kanya si Maricel sa shooting para lang mangumusta at para lang sabi­hing mahal siya nito na kanyang ina-appreciate. May nagtsika nga na lucky charm ang turing ni Maricel kay Direk Wenn dahil nang dumating ito sa buhay niya, lagi nang masaya ang aktres.

Sabi naman ni Direk Wenn mahal nila ni Maricel ang isa’t isa, pero pinaalalahanan niya itong ‘wag mai-in love sa kanya. May gagawin pa raw pelikula ang magkaibigan.

Cesar kumpirmado nang direktor ng Sugo

Pupunta sa Bohol sa December 14 si Cesar Mon­tano para dalhin ang nalikom na halaga sa gi­na­­wang Sagip Bohol fund-raising concert sa Tea­trino para tulungan ang biktima sa lindol sa Bohol. Na­alala namin, hindi pa man tapos ang concert, almost half a million na ang nalikom nina Cesar.

Kasama ng aktor na pupunta sa Bohol ang ilang kaibigan at ilang taga-Gabay Guro na magdadala ng construction ma­­terial para sa rehabilita­tion ng mga biktima ng lin­dol. Hang­gang Dec. 15 ang gru­po ni Cesar sa Bohol.

Samantala, kailan ka­ya ia-announce ng pro­ducer ng pelikulang Sugo na si Cesar na ang director nito? Nagsimula na itong mag-location hun­ting at ang alam din ng cast ng movie si Cesar ang director nila, pero dahil wala pang official announcement, hindi pa nito mabanggit sa mga interview. Ang pinalalabas ay magkatulong sina Cesar at Tikoy Aguiluz sa pagdidirek ng pelikula.

Tuluy-tuloy ding napapanood si Cesar sa Akin Pa Rin ang Bukas.

Mga taga-UH di pa rin tapos ang seminar sa MTRCB

Second day ngayon ng “mandatory seminar” de­manded by Movie and Television Review Classification and Board sa hosts ng Unang Hirit kaugnay ng isyu sa pagitan nina Arnold Clavio at Atty. Alfred Villamor na isa sa lawyer ni Janet Lim-Napoles.

Ang sabi, sina Arnold Clavio, Rhea Santos, Ivan Mayrina, at Susan Enriquez ang kasama sa mga host na dumalo dahil sila ang konektado sa News and Public Affairs department ng GMA 7 dahil ang ibang hosts ay hindi taga-NPA. Kasama ring nag-seminar kay MTRCB Chair Eugenio Villareal ang director, writers, at EP ng Unang Hirit.

Pero sabi ng network, bago pa sila pinag-mandatory seminar, may ginawa na silang proposal at remedial measures para hindi na maulit ang nangyari.  

ARNOLD CLAVIO

BOHOL

CESAR

DIREK WENN

MARCO LOBREGAT

MARICEL

SHY

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with