Noong Lunes ay nakausap ni Korina Sanchez sa pamamagitan ng kanyang programa sa radyo na Rated Korina ang aktor na si Robin Padilla. Emosyonal na umapela ang aktor sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga City para sa mga kababayan nating Badjao.
Hinihiling ni Binoe kay Mayor Maria IsaÂbelle Climaco na payagan nang maÂkabalik ang mga Badjao sa kanilang taÂhanan matapos lisanin ng mga ito noong kasagsagan ng kaguluhan sa kanilang lugar kamakailan.
“Noong sila ay nakausap ko, lahat po ng sinabi n’yo patungkol sa hanapbuhay, ‘Ma’am ibalik n’yo lang sila sa tubig, hanapbuhay na nila ’yon.’ Hindi nila kailaÂngan ang magandang CR (comfort room). Hindi nila kailangan ng magandang bahay dahil sila ay sanay na sa ganoong pamumuhay. Ang kailangan nila ay makabalik sa kanilang lugar. At kung sila ay babalik, saan n’yo sila ilalagay? ’Yun lang ang tanong,†emosyonal na pahayag ni Robin.
Ayon pa sa aktor, hindi raw maganda ang kalagayan ng mga kababayan nating Badjao ngayon sa isang grandstand kung saan kasalukuyang namamalagi ang mga ito.
“Para po naman nating silang pinapatay, dahan-dahan. Ano ba ito, Nazi? Alam nating kapag ang lugar ay over populated, nandiyang kumakalat ang sakit. Ma’am, ’di ako ang kaaway n’yo. Ako, apektado kasi nakakausap nila ako. Kaharap ko sila,†dagdag pa ng aktor.
Agad namang nagbigay ng paliwanag si Mayor Climaco tungkol sa nasabing isyu sa pamamagitan ng isang phone interview.
“Ang aming plano really is to rehabilitate and those that are now in the grandstand are put into temporary shelters. We intend to build back a better place in their places of origin kasi ang mga hanapbuhay nila ay malapit sa dagat. Now, it will only depend sa national government because there is a new law that prevents the building of shelters close to areas that are in the seas kasi nagkaroon ng storm surge in 2007, more than two meters of water ang umaÂbot sa areas natin sa Rio Hondo.
“Kailangang gawin ang plano ng DPWH (Department of Public Works and Highways) para hindi na mailagay sa alaÂnganin ang ating mga IDPs (internally displaced persons),†pahayag ni Mayor Climaco.
Jessica sa ’Pinas sasalubungin ang taon
Umuwi sa bansa si Jesicca Sanchez para tumulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda kamakailan. Masayang-masaya ang dalaga dahil sa Pilipinas daw niya sasalubuÂngin ang Bagong Taon.
“I’m just very excited to be here for New Year. I’m planning on having fun. It’s going to be a blast. I’ll get earplugs,†nakangiting pahayag ni Jessica.
Nakatakda raw magtanghal ang singer sa isang 2014 New Year show.
“I will perform in Eastwood. We saw pictures from last year and it was huge. I’ll be performing upbeat songs from my album so I’m stoked,†pagtatapos ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS