^

PSN Showbiz

Daniel inaagaw na kay Kathryn kahit nasa taping

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi mo naman tala­ga maiiwasan na ’di hahabulin ng babae si Da­niel Padilla. Bukod sa sikat ay napakaguwapo ng young actor at tinataglay ang charm ng mga kalahi niyang lalaki. Plus factor niya ang pangyayaring bukod sa nakakakanta siya ay nakakaarte pa.

Sa simula pa lamang ay dapat tanggap na ni Kathryn Bernardo na hindi niya masosolo ang ka-love team. Bukod sa ipapareha ito sa iba for the growth of his career, marami rin itong babae na mami-meet hindi lamang in the course of his career kundi maging out of showbiz. At sa napapabalitang pagka-maginoo nito, walang babae, bata man o matanda, ang makaka-resist.

Nagsimula na diumano ang kalbaryo ng isang babae na may habuling nobyo. Sa set ng kanilang seryeng Got 2 Believe ay tila hindi lamang sa serye pinagtatangkaan ng mga kalaban ni Chichay (Kathryn) si Joaquin (Daniel) kundi ma­ging outside of the camera rin daw. At kung sa serye nila ay tila nagtatagumpay ang ilang kabataang babae na makuha ang atensiyon ng batang aktor, baka umabot din ito sa likod ng kamera. Balitang may LQ (lover’s quarrel) ang magka-love team dahilan dito pero sabi nga sa unahan ng artikulong ito, isa ito sa pagdaraanan ni Kathryn for having a Padilla for a boyfriend.

Dapat ngayon pa lang ay pag-aralan na niya kung paano mahahawakan si Daniel at hindi maagaw sa kanya ng iba.

Indian producer ipinagkatiwala ang pelikula sa kamay ng mga Pinoy

Bagama’t Indian ang producer ng Mumbai Love, si Neil Jeswani, mga Filipino actor na sina Solenn Heussaff at Kiko Mattos ang mga bida sa kanyang first movie production na Capestone Picture na layuning makagawa ng mga proyekto na magiging vehicle for expression and an avenue for film commerce. Filipino rin ang kinuha niyang CEO ng kanyang produksiyon, si Minco Fabregas, na mula rin sa angkan ng mga artista, at direktor ng pelikulang si Benito Bautista.

Isang Filipino filmmaker si Bautista na nakabase sa Calfornia, USA. Pabalik-balik ito ng US at Pilipinas para gumawa ng pelikula. Nakapagtrabaho na ito sa maraming film productions sa US katulad ng Milk ni Gus Van Sant na naging nominado sa Oscars at nagtampok kina Sean Penn at James Franco. Siya ang director ng isang award-winning docu, ang The Gift of Barong: A Journey From Within na bahagi ng programa ng Stanford University para sa International Cultural Education.

Ang una niyang indie film dito na Boundary ay NETPAC Best Film sa Cinemalaya Independent Film Festival 2011. Nanalo rin ito ng Grand Jury Award for Best Feature sa Guam International Film Festival 2012. Naging nominado rin si Bautista bilang Best Director para rin sa Boundary sa Gawad Urian 2012.

Siya rin ang director ng Harana — the search for the lost art of serenade na nanalo ng awards sa mga sinalihan nitong film festivals katulad ng Hawaii International Film Festivals nung 2012 at sa Busan Film Festival sa South Korea nung 2012. Pinagka­looban din siya ng isang broadsheet ng Indie Bravo Award 2012 para sa paggawa niya ng mga pelikula na kinikilala internatio­nally.

Hindi ang Mumbai Love ang unang proyekto ni Direk Benito sa Capestone. Marami pa silang magiging kolaborasyon ng producer na si Neil Jeswani.

Heart nakalimutang senador si Chiz

Bilang respeto sana sa kanyang boyfriend na isang pulitiko, dapat hindi na tumatanggap si Heart Evangelista ng role na mako-kompromiso ang lalaki. Kahit sabihing sport ito at walang ipinagbabawal sa kanyang mga eksena, dapat ay siya na mismo ang tumanggi sa mga role na makasisira sa kanyang imahe bilang girlfriend ng isang iginagalang na public servant.

Hindi naman siya ang mapipintasan kundi si Sen. Chiz Escudero kapag may mga eksena siya na hindi bagay sa isang girlfriend at posibleng ma­ging asawa ng isang iginagalang na pulitiko. Kaila­ngan pa bang may magsabi nito sa ’yo, Heart?

Rep. Manny malaki ang matututunan sa tax problems ni Gov. Vilma

Dapat pag-isipang mabuti ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ’yung suhestiyon ni Gob. Vilma Santos na makipag-usap at makipag-ayos na lamang siya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para matapos ang problema niya. Ngayon lamang sinabi ng pulitikong aktres, na nagkaroon din siya ng problema sa BIR na katulad ng kay Manny. Isang taon ding na-freeze sa bangko ang kanyang pera. Kaya ang mga TF niya noon ay puro cash at nakalagay lang sa maleta. Pero nakipag-compromise siya, nakipag-usap sa kawanihan at binayaran ang utang niya sa loob ng apat na taon.

FILM

ISANG

MUMBAI LOVE

NEIL JESWANI

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with