Waging-wagi pala si Sarah Geronimo sa ginanap sa ASAP Pop Viewers Choice Award last Sunday sa ASAP 2013.
Kasama sa mga napanalunan niya ang Pop Female Artist, Pop Album, Pop Music Video, Pop Cover Girl, Pop Movie, Pop Movie Theme Song and Pop Screen Kiss with John Lloyd Cruz sa It Takes a Man and a Woman.
Sayang at wala si Sarah. Nagpasalamat lang siya sa isang taped message.
Out of nine nominations, 7 ang nauwi niya sa ASAP Pop Viewers’ Choice Awards 2013 na taun-taon ginagawa sa ASAP bilang pagkilala sa mga artistang gumawa ng kakaibang impact sa TV, music, and movies.
Ginanap daw kasi last Saturday night sa Waterfront Cebu ang kanyang Perfect 10 concert so hindi na nakabalik si Sarah. Eh meron pa raw meet and greet session the following day sa Cebu.
Balita ni Ms. Bambi Diploma ng Viva Concert na jampacked ang Waterfront last Saturday night.
Tenth anniversary concert ni Sarah ang Perfect 10 at nauna na itong ginawa sa Araneta Coliseum at SM MOA. Parehong napuno ni Sarah ang venue.
At kung meron mang masaya sa 10 anniversary celebration ng singer-actress, ang kanyang manager na si Mr. Vic del Rosario. “Masaya ako dahil bibihira ang artist na may repeat agad ang concert. Kay Sarah talagang, fans ang nagde-demand at sponsors,†maiksing sabi ni Boss Vic.
So puwede na kayang tawaging concert queen si Sarah ngayon?
Ayaw nang mag-comment ni Boss Vic. Basta ang alam niya napuno ni Sarah ang tatlong venue.
Marian at Dingdong wala munang exchange gift!
Hindi muna magbibigayan ng regalo sina Marian Rivera and Dingdong Dantes. Imbes na gumastos sa pagbili ng regalo, itutulong na lang nila sa mga binagyo. “Sa ngayon, ang usapan namin, wala muna kaÂming regalo sa isa’t isa. Sabi namin, ‘wala muna tayong mga rega-regalo, magkanya-kanya muna tayo. Siya sa Yes Pinoy Foundation, ako naman dito sa bangka ko. Ganun na lang muna,†kuwento ni Marian.
Parehong may kanya-kanyang project ang dalawa para sa mga kawawang nabiktima ng bagyo sa Kabisayaan.
Si Marian sa Adopt-A-Bangka at ang aktor nga sa Yes Foundation.
Hindi na rin muna gagawa ng movie ni MaÂrian unless maganda ang istorya. “Hindi mo rin kasi alam kung ano ang panoÂnoorin ng tao. Masakit sa ulo. Siguro pag may magandang istorya, saka na,†sabi ng aktres aka Carmela (title ng bagong show niya sa GMA) na nakiÂpagtsikahan sa entertainment press last Sunday. Huling pelikula niya ang Kung Fu Divas with AiAi delas Alas. Though hindi raw super box office pero happy na sila dahil na-recover naman ang kanilang investment.
At bakit nga pala bangka ang naisip ni Marian na ipamigay eh puwede namang pagkain at mga damit na lang?
“Kasi ang balita namin nagkakapatayan na dahil kailangan naman nilang mabuhay so bigyan natin sila ng chance na makabangon uli. Bangka ang naisip namin para makabalik sila sa hanapbuhay nila,†sabi niya.
In fairness, almost 30k ang halaga ng motorized bangka.
“Kawawa naman kung magsasagwan pa sila pag binigyan namin ng bangkang manual. Nagpa-survey na kami. Kaya nilang bumili ng gas para sa bangka. Saka ang minimum na anak ng isang pamilya na bibigyan namin, dapat lima,†sabi niya.
Mas naniniwala si Marian na “Give a man a fish, and you feed him for a day; show him how to catch fish, and you feed him for a lifetime.â€