Solenn bilib sa baguhang aktor

Maraming artistang la­la­ki ang maiinggit sa pam­bihirang suwerte ng isang baguhang aktor na bu­kod sa ginawang bida sa Mumbai Love, isang Indian film na nakatakdang mapanood sa mga sinehan sa ikatlong linggo ng January, ay ipinareha pa siya sa isang artistang babae na walang aktor na hindi nagnanais maging leading lady, si Solenn Heussaff.

Excited ang Filipino-French actress na makuha ang role ni Ella. Kahit dumaan siya sa audition ay okay lang sa kanya makapunta lang siya sa India na pinaka-pinapangarap niyang mapuntahan.

“I love my role in the film. Hindi ako malandi rito and I show my fun side,” sabi niya.

She doesn’t mind being paired with Kiko Mattos.

“I admire the kindness of my love interest in the movie, Kiko. He’s a real gentleman. I’m also happy to work with such a fabulous director, cast, and crew. I’m really proud of this movie,” sabi niya.

Sa panig naman ni Kiko, marami ang nagsasabi na mukha siyang Indian. Kaya nag-auditon din siya for the role na matagal nang lumalabas sa TV pero dahil maliliit lang ang kanyang mga role kung kaya parang talagang baguhan siya nang mapansin sa mga indie film na Babagwa: A Spider’s Lair at Sonder na nanalo ng honorable mention sa 25th Gawad CCP para sa Alternatibo at Video.

Pinag-audition si Kiko ng manager niya para makakuha ng kahit man lamang supporting role sa Mumbai Love, pero sinuwerte siyang makuha ang role ng bidang si Nandi, isang Indian-Flipino na naniniwala na makikita niya ang babaeng itinakda para sa kanya sa kabila ng pangyayaring ipinagkasundo na siya ng kanyang mga magulang sa isa ring Indian girl na isang tradisyon sa India.

Ang pelikula ay parehong kinunan sa India at sa Pilipinas.

 

Show comments