Payo ni Gov. Vilma, Pacman makipag-compromise na lang sa BIR

MANILA, Philippines - Natanong last Saturday night si Gov. Vilma Santos-Recto kung ano ang maipapayo niya tungkol sa kinakaharap na kaso ni Cong. Manny Pacquiao sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nang makatsikahan ang gobernadora ng ilang entertainment press na inimbita para sa grand finals ng Voices, Songs, & Rhythms sa Batangas Coliseum, Batangas City last Saturday night.

Alam na alam na nagkaproblema noong 1981 ang gobernadora sa buwis at na-freeze rin ang mga pera niya noon sa bangko ng isang taon.

“Frozen ang pera ko. Kaya ang Viva at ang Regal, kung bayaran ako, cash. Kaya ang pera ko noon nasa maleta, kasi nga frozen ang bangko. But with the help of Manay Ichu (Marichu Maceda) and Atty. (Esperidion) Laxa, you know, kung saan kami nagtapos, compromise,” paliwanag ng Star For All Seasons.

 â€œLet’s talk and let’s compromise. Ano ang puwede kong gawin? Paano ‘yung way of payment na gagawin ko, na willing naman akong magbayad pero baka naman puwedeng konting adjust naman tayo kasi hindi ko kaya ang ganyan kalaki? So, it’s a compromise,” pag-aalala niya sa naging problema noon sa nasabing ahensiya ng gobyerno.

Kaya ang payo niya sa boxing champ na more than P2 billion daw ang kailangan daw i-settle, maki­pag-compromise para matapos na talaga.

From 1981 to 1984 niya binayaran ang nasa­bing utang na ang alala niya ay parang P2 million.

“That time malaki na ’yun,” she recalled.

“Isa ’yun sa nagpalubog sa akin. Walong pelikula sa Viva, walong pelikula sa Regal. And then ’yung anim noon, wala akong nakukuha, diretso sa bangko ’yun sa BIR. Kaya trabaho ako nang trabaho, walang pera. Ganun talaga.”

Partly ay sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari dahil pirma lang siya nang pirma ng mga tseke na hindi niya tinitingnan kung para saan ’yun, na kadalasan daw kasi bagong gising siya ’pag pinapipirma kaya hindi na niya mas­yadong binabasa.

“Pumipirma ako ng tseke for BIR, cash. Hindi pala napupunta doon. Pumipirma ako ng tseke, million, cash, knowing na part of that ay napupunta sa BIR. Hindi pala. Eh luka-luka naman ako, one million, pipirma ka, cash? Eh paano, titiyempuhan ako, tulog, pagod na pagod. ‘O, pirmahan mo ‘to, importante.’ Ako naman, sige,” kuwento ng Star For All Seasons.

Kaya ngayon maingat na maingat na siya sa mga pinipirmahan lalo na sa dokumento sa Batangas.

“Hindi sa nagdadamot. Pero at the end of the day, ’pag ako ang nakapirma, ako ang mao-Ombudsman. Hindi naman kayo. Dahil ako ang nakapirma, pero kayo ang nagbibigay ng papel na pipirmahan. Natuto ako,” sabi niya.

Samantala, isang malaking tagumpay ang ginanap na VSR singing contest para sa celebration ng 432th anniversary ng Batangas.           

 

Show comments