Apat na taon na raw ang nakalilipas nang huÂling makipagrelasyon si Sam Milby. Ngayon ay si Jessy Mendiola ang nililigawan ng aktor at ayon sa kanya ay nahihirapan silang makapag-date dahil kabi-kabila ang kanilang mga trabaho. Matatandaan na noong Agosto pa umamin si Sam sa telebisyon na nililigawan na raw niya si Jessy.
“I’ve only seen her three times in the last two months kasi sa schedule niya and schedule ko wala kaming time na mag-date. We still communicate naman,†pagtatapat ni Sam.
Bukod sa teleseryeng Maria Mercedes na ginagawa ni Jessy ay marami pang ibang proyekto na ginagawa ang dalaga. Palabas pa rin ngayon sa mga sinehan ang Call Center Girl na pinagbibidahan nina Pokwang, Enchong Dee, at Jessy pero isang bagong pelikula naman ang nakatakdang gawin ng dalaga ayon kay Sam.
“Kasi nag-shooting din siya for Call Center Girl and may movie rin na mag-i-start for her with ÂLloydie (John Lloyd Cruz). We are still very much in getting-to-know stage. We don’t have enough time to spend together. So ’yun, we are still at very early stage. Mahirap sa time na hindi kami nagkikita,†paliwanag ng aktor.
Samantala, si Sam ang leading man ni Eugene sa pelikulang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel. Isa ito sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan.
Alice pinag-usapan sa pagpapa-sexy
Ginulat ang lahat ni Alice Dixson nang mag-pose ang aktres para sa December issue ng FHM (For Him Magazine) sa kauna-unahang pagkakataon.
“Sorry, ’yan na ’yan, buy it now because I don’t know, I don’t think mauulit ’yan,†nakangiting bungad ni Alice. “It was something that I never planned to do but I think it’s just like love. When the opportunity comes I mean it just comes at any time right? You will never know. It will just hit you. It came and I was just open to the idea, it happened, but what comes next hindi ko alam,†giit ng aktres.
Hindi raw inakala ni Alice na magiging maganda ang kalalabasan ng kanyang ginawa para sa nasabing men’s magazine.
“I wasn’t fully aware of how popular it would be. Like they were telling me na it garnered the most likes and visits on their Facebook page, etcetera. I don’t know, I guess, siyempre masaya ako, at the same time my friends are kidding me like ‘What did you do?’ and I’m like ‘I don’t know. What did I do?’†kuwento ni Alice.
Samantala, isa ang aktres sa mga bida ng pelikulang When the Love is Gone kasama nina Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Cristine Reyes. Palabas pa ito sa mga sinehan at nagsimula na rin ang kanilang international screenings noong Dec. 6. Reports from JAMES C. CANTOS