Momzillas sa video naman hahataw
MANILA, Philippines - Sa muling pagsasanib ng Viva Films at Star Cinema, nagtamo ng tagumpay ang kanilang pinaÂkahuling pelikula na Momzillas, na kumita ng 42.5 milyong piso sa takilya. Sa unang pagkakataon, nagÂsama si Diamond Star Maricel Soriano at ang tinaguriang Rough Diamond Star ngayon na si Eugene Domingo.
Parehong eksperto sa pagpapatawa, muli nilang pinamalas ang kanilang husay sa pagbitaw ng punchlines at pagpapakita ng iba’t ibang klase ng ekspresyon. Ngayon, pinagmamalaking ihandog ng Viva Video Inc. ang Momzillas sa video.
Sa ilalim ng direksiyon ni Wenn Deramas, ang pelikula ay tungkol kina Clara (Maricel Soriano) at Minerva (Eugene Domingo), na sagad sa buto ang galit sa isa’t isa simula nang malamang iisa lamang ang kanilang lalaking minamahal.
Matagal nang nangyari ito, ngunit nang magtagpo muli ang kanilang mundo sa kasalukuyan, laÂlong tumindi ang kanilang away.
Ang kani-kanilang mga anak na sina Elwood at Rina (Billy Crawford at Andi Eigenmann) ay magÂkasintahan na hindi papipigil sa kanilang nalalapit na kasal. Umaasa na magkabati ang dalawa, inareglo nina Elwood at Rina na mag-cruise nang magkasama ang kanilang mga ina. Nang mauwi ang dalawa sa aksidente at napadpad sa isang isla, punung-puno ng katatawanan ang kanilang pakikipagsapalaran laban sa mga mababangis na hayop. Mapipilitan sina Clara at Minerva na kalimutan ang alitan at gumawa ng paÂraan upang makabalik ng maayos sa kanilang pamilya.
Ang supporting cast tulad nina Candy PangiÂlinan at Joey Paras ay wagi rin sa pagpapatawa.
Ulit-ulitin ang inyong paboritong eksena sa MomÂzillas, kaya’t bili na ng inyong kopya ng DVD o VCD sa pangunahing video stores.
- Latest