Kampante si Vice Ganda na magna-number one ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy dahil maganda ang pelikula, pinaghirapan at team effort ang pagkakagawa nito. Ang ramdam niyang kikitain ay P500M at dahil lahat nang kini-claim niya ay nagkakatotoo, naniniwala ang bida na ’yun ang kikitain ng pelikula.
Co-producer din si Vice Ganda ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema at Viva Films, wala lang nagtanong kung magkano ang kanyang share. Ang nabanggit nito, mas mataas ang talent fee niya rito at thankful sa mga producer na ibinibigay what he deserves.
Naka-relate rin daw siya sa apat na karakÂter na ginagampanan pero kung ipaÂngaÂnganak siya uli, gusto niyang maging lalaki na dahil gusto niyang maging president ng bansa. Mas malaki raw ang chance na maging presidente ang lalaki kesa babae.
Ang dream role ni Vice ay maÂkagawa ng action movie na mala-Fast & Furious. At siyempre pa si Wenn Deramas pa rin ang direktor.
Ang ganda ng sagot ni Vice nang ipakumpara ang Christmas niya noong hindi pa siya sikat at ngayong sikat na siya.
“Madilim ang Pasko namin dati at maliit ang Christmas tree pero kompleto ang pamilya naÂmin. Ngayon, maliwanag ang Pasko namin, malaki ang Christmas tree pero kulang kami dahil wala na ang lola ko,†sagot nito.
Sa tanong naman kung ano ang kapalit ng success sa kanya, sa personal life niya?
“Now I can’t go out with my boyfriend. Iniiwasan ko na lumabas kami rito at kung lalabas man kami, out of the country. Takot akong husgahan siya ng tao,†sagot nito.
Louise ilalaban ng GMA sa Dyesebel ng Kapamilya
Parehong may sirena serye next year ang ABS-CBN at GMA 7. May Dyesebel ang Dos at Kambal na Sirena naman ang Siyete. May teaser na ang ABS-CBN kaya hintayin natin kung sino sa dalawang sirena serye ang unang eere.
Pinipili pa raw ng Channel 2 ang gaganap na Dyesebel at nabanggit sina Anne Curtis at Erich Gonzales sa final two pero nabanggit din sina KC Concepcion at Bea Alonzo. Hindi pa namin alam kung sino ang magdidirehe nito, sino ang gaganap na Fredo at sino ang ibang makakasama sa cast.
Ang Channel 7, si Louise delos Reyes ang napiling magbida sa Kambal na Sirena, naghahanap pa raw ng leading man dahil hindi puwede si Alden RiÂchards at nasa soap ito ni Marian Rivera pero si Dondon Santos daw ang direktor.
Sa kanyang Instagram, may picture si Louise na nasa dagat at may caption na “Don’t let your fear take over your strength.†Ang dating nito sa followers ng aktres, ang tungkol sa bagong show ang tinutukoy.
Camille ipinangalandakan na ang 1st anniversary sa dyowang hawig ng namatay na mister
May mga kumontra pero mas marami ang natuwa nang mabasa ang post ni Camille Prats sa Instagram (IG) at binati ng first anniversary ang boyfriend niyang si JJ Yambao o Julius Gabuya Yambao.
Hindi na sinagot ni Camille ang mga nag-nega sa kanila ng nobyo at nagpasalamat doon sa mga nag-wish sa kanya ng happiness. May mga nakapansin na kamukha si JJ nang pumanaw na mister ng aktres.
Heto ang message ni Camille sa BF: “Thank you for a fruitful and memorable year. Meeting you is definitely one of the most beautiful things life has given me. You came into my life the least I expected it, and I couldn’t be any happier. Thank you for saving me. For being my knight in shining armor. Cheers to our 1st year, forever more to go. Belated happy 1st love @jjyambao1.â€
Samantala, may bagong soap si Camille sa Afternoon Prime ng GMA 7. Kasama siya sa cast ng Ibalik Mo ang Kahapon na kinabibilangan nina Pauleen Luna, Rafael Rosell, Christian Bautista, at Kevin Santos. Sa Dec. 9, ang storycon at Dec. 13 o 14 ang first day taping.