PIK: Aware si Kim Atienza na matatanong siya tungkol kay Anne Curtis nang humarap ito sa movie press kahapon para ma-promote ang kanyang Atienza Naturale na malunggay capsule. Pero sinasabi ni Kuya Kim na mabait daw ang aktres at huwag sanang husgahan agad sa kinasangkutan nitong isyu.
Naikuwento niyang lingid sa kaalaman ng lahat, madalas na dumadalaw si Anne sa isang hospital dahil meron itong sinusuportahang mga batang may sakit.
PAK: Tuwang-tuwa si Winwyn Marquez na pinalaki ang role niya sa Dormitoryo. Hindi lang isa kundi dalawang karakter na ang kanyang ginagampanan dahil meron pala siyang kambal sa kuwento kaya bagong karakter na ngayon ang ginagampanan niya.
Masaya si WinWyn sa magandang takbo ng career niya pero gusto pa rin niyang maging beauty queen kaya pinaghahandaan na niya ito ngayon.
Minsan ay tini-train daw siya ng Tita Via Hoffman niya na kapatid ng papa niyang si Joey Marquez pero gusto rin daw sana niyang maturuan siya ng Tita Melanie Marquez niya pero hindi naman daw sila ganun ka-close at wala na silang komunikasyon.
“Sana may chance na makapag-usap kami kasi Tita Melanie is Melanie Marquez,†pahayag ng young actress.
BOOM: Mukhang malabo nang magkaayos si Charice at ang pamilya niya dahil sa gulo na naman ngayon ng mommy niyang si Raquel Pempengco at ng lola niyang si Lola Tess Relucio.
Nagalit daw itong lola ni Charice sa mommy niya dahil pinauwi raw si lola pero pinagbantay lang pala ng bahay nila na parang sa bodega lang ito pinatira at binibigyan ng isang libong pisong food allowance sa loob ng isang linggo.
Ang lola pa ni Charice ang nagbalita na naglaslas daw ng pulso ang international singer na ikinuwento rin daw sa kanya ng fans nito.
Kaya kapag tinatanong mo si Charice tungkol sa panibagong gulo ng pamilya niya, hindi na siya nagsasalita at mukhang ayaw na niyang makipag-ayos sa kanila dahil sa mga gulong pinapasok nila.