^

PSN Showbiz

Mga artista ngayon walang nagmana sa ugali ni Ate Vi

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Confirmed na binabasa ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang lahat ng mga diyaryo dahil maaga akong nakatanggap kahapon ng message mula sa kanyang confidante na si Mama Aida Fandialan.

Nagpasalamat si Mama Aida sa column item ko tungkol sa foundation day ng lalawigan ng Batangas na gugunitain bukas.

Star-studded ang pagdiriwang dahil dadalo si Marian Rivera na manggaga­ling sa Singapore dahil nominated siya sa best actress category ng Asian TV Awards. Nominated din si Lorna Tolentino para sa nasabing kategorya at magiging masaya ako kung isa sa kanila ni Marian ang mananalo at magdadala ng panibagong karangalan sa ating bansa.

Araw-araw na binabasa ni Mama Vi ang lahat ng mga diyaryo kaya kilala niya ang lahat ng entertainment writers, bago man o luma.

Take note,  matalas ang memorya ni Mama Vi kaya first name kung tawagin niya ang pangalan ng mga reporter, baguhan man o datihan.

Malayung-malayo si Mama Vi sa mga artista ngayon na hindi kilala ang mga reporter na kanilang madalas na nakakahalubilo. Hindi rin sila marunong bumati at magbigay ng respeto sa mga veteran star.

Sila ang mga artista na hindi nagtatagal sa showbiz dahil walang pakialam sa kapwa at walang respeto sa mga nakatatanda.

Ruffa walang panty araw at gabi!

Diyan ninyo hahangaan ang mga anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Well-trained sina Ruffa, Richard at Raymond ng kanilang mga magulang dahil sila ang unang bumabati at nagbibigay ng respeto sa veteran stars na nakakatrabaho nila.

Bilib na bilib ang mga veteran star sa mga anak nina Eddie at Bisaya. Ha­ngang-hanga sila sa magandang pagpapalaki ng mag-asawa kina Ruffa, Raymond at Richard.

May pelikula si Ruffa na official entry sa Metro Manila Film Festival, ang Girl Boy Bakla Tomboy. Marie ang name ni Ruffa sa pelikula at inspired ni Marie ang kanyang role. The who si Marie? Siya ang bida sa naughty song ng mga bagets, si Marie, ang babae na araw-gabi, walang panty.

Jessica iba ang pakay sa pagbalik ng bansa

Mali naman ang mga balita na bumisita sa Pilipinas si Jessica Sanchez para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ni Typhoon Yolanda.

Klarong-klaro na dumalaw sa bansa si Jessica dahil siya ang ambassador ng isang foundation na namimigay ng hearing aids na libre.

Dalawang lugar lang ang pinuntahan ni Jessica, ang General Santos City at ang Batangas province.

Hindi nagsadya si Jessica sa Tacloban City o ibang lugar sa Eastern Visayas na hinagupit ni Yolanda. Mali ang mga pralala na bumalik siya sa Pilipinas para personal na tulungan ang Typhoon victims pero nagbigay din si Jessica  ng tulong sa pamamagitan ng kanyang video online concert.

Eugene ayaw na ng award

Gusto ni Eugene Domingo na manalo ng acting award pero mas type niya na kumita sa takilya ang kanyang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival, ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.

Tama naman ang wish ni Eugene dahil walang artista na naghangad na mag-flop sa box office ang kanilang pelikula.

Saka may acting awards na si Eugene mula sa MMFF at Tokyo      International Film Festival kaya natural lamang na gustuhin niya na pilahan sa takilya ang last installment ng Kimmy Dora.

ANG KIYEMENG PREQUEL

ANNABELLE RAMA

BATANGAS

JESSICA

KIMMY DORA

MAMA VI

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RUFFA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->