KC umalma sa pagkontra kay Anne
MANILA, Philippines - Nag-react si KC Concepcion sa naging interpretation ng marami sa pinost niyang epekto ng juice sa katawan na tumayming right after na masangkot si Anne Curtis sa isang gulo sa bar at nadawit ang juice cleanse na ininom daw nito bago nalasing. Ang naging impression kasi sa ginawa ni KC ay pinatutsadahan niya si Anne dahil na-timing nga sa kontrobersiya ng kasamahan niya sa Viva.
“Some people are really good at stressing themselves out. Ang mga bagay na walang connect, kino-connect. Ending sila ang #haggard.
“Note to #assuming & overprotective individuals... Next time, please get the facts straight before you disturb someone else’s peace. Thank u,†tweet ni Ms. Concepcion na kasalukuyang nasa Dubai.
Title ni Sam hiniram
Wynn Andrada, bagong acoustic heartthrob ng star records
May sariling album na ang singer na si Wynn Andrada na nakilala sa Himig Handog P-POP Love Songs 2013 ng ABS-CBN.
At ang kanyang title, acoustic heartthrob. May ilang nagpo-protesta dahil title daw ito ni Sam Milby.
Isa siya sa 2,000 na nag-sumbit ng entry noon sa Himig Handog, hanggang pumili ng 100 and luckily nakasama siya sa top 12 finalist. Siya mismo ang nagsulat ng kanta na kanyang isinali.
At ngayon nga ay may sarili na siyang album na mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P199 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph at www.starmusic.ph.
“Punung-puno po ng love ang first album ko. Para po ito sa lahat ng umiibig, gustong maramdamang mahalin o magmahal, at sa mga napapangiti ng simpleng feeling ng pagiging in-love,†ani Wynn. “Alay ko po ito sa lahat ng sumuporta sa akin sa Himig Handog dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi matutupad ang pangarap kong maging isang recording artist,†sabi ni Wynn na 18 years old lang kaya parang nakakagulat na lahat Tagalog ang kanta niya na para sa mga in love.
Tampok sa self-titled album ni Wynn ang song entry niya sa Himig Handog na Tamang Panahon, Sana Kahit Minsan, Ako’y Sa’yo, Ika’y Akin, Sa May Bintana, Akin Ka Na Lang, at ang carrier single niyang Dito Ka Lang Sa Puso Ko. Bahagi rin ng album ang minus one versions ng lahat ng tracks.
MTRCB chief & Philstar columnist speakers sa Family Expo
Naimbitang guest speaker sina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Atty. Eugenio VillaÂreal at multi-awarded columnist, realty entrepreneur Wilson Lee Flores sa Baby and Family Expo Philippines 2013 ngayong araw, 10 a.m. sa SMX Convention Center, Mall of Asia (MOA) Complex, Pasay City. Tatalakayin ni Mr. Flores ang topic ng Mastering the Harmony of Family Wealth.
Bago naman naging chairman ng MTRCB pagkatapos ni Senator Grace Poe, si Atty. Villareal ay nagturo ng law sa Ateneo Law School at Polytechnic University of the Philippines (PUP) College of Law.
- Latest