Green archers at Red Lions maghaharap para sa mga binayo ng bagyo
MANILA, Philippines - Dalawang tanyag na koponan - ang kampeon ng UAAP na De La Salle University Green Archers at ang bigating kampeon ng NCAA na San Beda Red Lions - ang maglalaban sa hard court ngayong Sabado, Disyembre 7, para sa exhibition game na Champions for a Cause.
Magsisimula ang laro ng 12 ng tanghali mula sa SMART Araneta Coliseum at mapapanood ng LIVE sa TV5. Ang special na exhibition game, na pagtatanghal ng MVP Sports Foundation at Filoil Flying V, ay may layunin na makalikom ng pera para sa mga nasalanta ng Typhoon Yolanda.
“Sports5 is privileged to be collaboraÂting with the schools and Filoil Flying V in presenting this rare basketball game where the two best collegiate teams will be giving their best for the victims of Typhoon Yolanda. Basketball fans will surely enjoy this game where everyone wins,†ani Chot Reyes, Sports5 Head.
Kagagaling lang ng Red Lions mula sa kampanyang Roar for Four kung saan nakamit nila ang ika-apat na kampyonato sa NCAA basketball.
Pangungunahan ang team ni coach Boyet FerÂnandez at inaasahan niya sina Art Dela Cruz, Baser Amer, at Rome Dela Rosa para manguna.
Ang mga big man na sila Ola Adeogun at ang Semerad twins na si David at Anthony ang magbabantay naman sa ilalim. Tagumpay na nakamit ng Green Archers ang ika-Âwalong basketball championship noong Oktubre sa pamumuno ni coach Juno Sauler. Ang popular na sophomore guard na si Jeron Teng ang inaasahan kasama sina Jason Perkins, Almond Vosotros, at Arnold Von Opstal.
Mabibili ang mga tickets sa Ticketnet sa presyong P 1000 for Patron; 500 for Lower Box; P 300 for Upper Box A; P 150 for Upper Box B at P 20 para sa General Admission.
Mapapanood ang replay ng Champions for a Cause sa AksyonTV, 9 p.m.
- Latest