Umiiwas na sa interview mga dawit sa sampalan, hindi na makontak

Ayaw nang magsalita ng mga personalidad na sinampal ni Anne Curtis noong November 23.

Hindi na sila makontak sa kanilang mga cell phone.

‘Yung isang involved, nagpapatay daw ng cell phone kapag tinatawagan ng mga researcher ng mga showbiz talk show. Siya ang nagkuwento ng buong detalye ng mga nangyari kaya siya ang kinukulit ng mga reporter.

Baka nag-move on na rin siya tulad ng appeal ni Anne o napagod na siya sa paulit-ulit na pagkukuwento.Tumigil na siya sa pag-tweet. Pareho sila ni Anne na hindi na rin active sa social media mula nang pumutok noong Linggo ang kuwento tungkol sa isyu na pinagpistahan ng sambayanang Pilipino.

Litanya ni Sen. Miriam parang teleseryeng inabangan

Parang hit teleserye na tinutukan ng buong bayan ang privilege speech kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa Senado.

Naloka ang lahat sa mga litanya ni Mama Miriam laban kay Senator Juan Ponce Enrile na tinawag niya na plunderer, womanizer, Prince of Darkness, at kung anik-anik pa.

Mas naloka sila dahil naglalaro lamang si Papa Johnny ng Bejeweled sa kanyang iPAD habang harap-harapan siya na tinatalakan ni Mama Miriam. Tinawanan lang ni Papa Johnny ang mga below-the-belt na banat sa kanya ni Mama Miriam.

Isang public debate sa UP ang hamon ni Mama Miriam kay  Papa Johnny para magkaalaman na kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Pati si Senator Ping Lacson, hindi pinatawad ni Mama Miriam. Tinawag naman niya na Pinky ang bagong rehabilitation czar.

Marami ang bumilib kay Papa Johnny dahil hindi ito nagpakita na affected siya sa mabibigat na paratang ni Mama Miriam. Laro lang siya nang laro ng Bejeweled sa kanyang iPAD. Parang hindi niya talaga sineryoso ang napakahaba na privilege speech ng kanyang number one enemy sa Senado.

Twist 18 anyos lang ang Chef

Nakita ko kahapon sa Twist restaurant si Tootsie Angara, ang maganda at mabait na asawa ni Senator Sonny Angara.

Si Tootsie ang nagkuwento sa akin na nasa senado nga ang kanyang dyowa dahil may privilege speech si Mama Miriam.

Nag-enjoy ako sa pagkain sa Twist dahil masasarap ang mga pagkain. Nagustuhan ko ang kanilang tulingan, ang chicken na East meets West ang pangalan at ang napa­kasarap na freshly baked cookies.

Si CJ Lim ang chef ng Twist na pag-aari ni ABS-CBN executive Deo Endrinal. Eighteen years old pa lamang si CJ pero graduate siya ng culinary arts sa isang school sa Amerika.

Pinuri-puri ko si Chef CJ dahil masarap ang lahat ng mga pagkain sa Twist, pati ang kape nila, sosyal ang presentation.

‘RESEARCHER ni Jessica ginagawa akong talent coordinator’

Palaisipan talaga sa akin kung bakit ako ang madalas na tawagan ng mga researcher ng Kapuso Mo Jessica Soho para sa contact numbers ng mga artista.

Hurt na hurt na ako dahil columnist, talent manager at TV host ako pero talent coordinator ang trato sa akin ng mga researcher ni Mama Jessica. Ako pa ang tatanu­ngin nila tungkol sa mga contact number ng mga artista eh hindi ko nga memoryado ang telephone numbers ng mga alaga ko!

Ilang taon nang ganyan sa akin ang KMJS staff. Kahit nasa gitna ako ng mga meeting o pagpapahinga, big­la silang tumatawag at nagtatanong sa akin ng mga contact number ng mga artista. Utang na loob, hindi ako talent coordinator ‘no!

Show comments