Ang Master Showman na si German “Kuya Germs†Moreno ang nagpauso noon sa pamaÂmagitan ng paghu-host ng Christmas Party for the entertainment press tuwing sumasapit ang Dec. 1. Nahinto ito at ang talent management company naman ni Perry Lansigan na PPL ang nagpatuloy nito taun-taon. Pero sa taong ito ay Dec. 2 na ito ginanap sa Casa Filipino in Quezon City at isang simpleng dinner get-together ang nangyari with the press at mga alaga ni Perry na pinangunahan ni Dingdong Dantes with matching giveaways.
Ang nawala lamang ay ang masagaÂnang raffle na siyang inaabangan ng mga imbitadong entertainment media. Ang kaibahan pa this time, ang malaÂking bahagi ng gagastusin sana sa pa-raffle ay dinoÂneyt sa mga survivor ng Yolanda.
Simple man ang pagsi-celebrate ng Christmas sa taong ito, ang mahalaga ay ang pagkakaisa, pagmamahalan, pagpapatawad, at pagbibigayan ng lahat na siyang pinaka-essence ng Pasko.
Nabanggit pa ni Dingdong sa isang interview pagkatapos ng party na sa piling ng mga sinalanta sa Visayas magpa-Pasko. “It’s better to go unannounced. Ito namang mga bagay na ito, it comes from the heart and no need for any fan fair,†paliwanag niya.
Kasama kaya niyang magpa-Pasko sa mga binagyong lugar ang girlfriend niyang si Marian RiÂvera?
Bukod sa pagbisita uli doon, nakikipag-ugnayan din siya sa Department of Education para makatulong sa pagpaÂpatayo ng mga eskuwelahan doon.
Eugene tutuldukan na ang dual role
Ang Kimmy Dora (Ang KiyeÂmeng Prequel) na pinagbibidahan ng award-winning actress na si Eugene Domingo kasama sina Sam Milby, Joel Torre, Angel Aquino, Ariel Ureta, at iba pa ay isa sa walong entries ng 2013 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, Dec. 25. Ang dalawang franchise ng Kimmy Dora na pinagbidahan din ni Uge ay ipinalabas sa regular run kaya kakaiba itong last franchise ng Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel) dahil may pitong pelikulang kapanayaban.
Ano naman kaya ang laban ng Kimmy Dora ni Uge sa magkahiwalay na pelikula nina Vic Sotto at Kris Aquino (My Little Bossings) at Boy, Girl, Bakla, Tomboy ni Vice Ganda?
Very confident ang award-winning actress na mag-i-enjoy ang mga manonood sa pelikula mula sa panulat at direksiyon ni Chris Martinez dahil kakaiba umano ang final version ng Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel).
“Kung nag-enjoy sila sa first two Kimmy Dora movies, mas lalo nilang maiibigan itong 3rd and final version,†diin ni Uge.
Boots nasuklian ang kabaitan
Isa kami sa natutuwa para sa well-loved actress at pangulo ng MOWELFUND na si Boots Anson-Roa na muli itong nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan nia Atty. Francisco “King†Rodrigo, Jr. na isa ring balo katulad niya.
Engaged to be married na sina Boots at Atty. RodÂrigo at ang kasal ay mangÂyayari sa ika-75th birthday mismo ng magiging bagong mister ni Boots on June 14.
Since malalaki na, mga professional, at may kani-kanyang pamilya na ang mga anak nina Boots at Atty. Rodrigo (maliban kay Joey na anak ng aktres na binata pa rin hanggang ngayon), hindi magiging hadlang ang mga ito sa muling pagpapakasal ng dalawa. Dito muling pinatunayan nina Atty. Rodrigo at Boots ang kasabihan na “age does not matter†sa dalawang nilalang na nagmamahalan ng tapat.
Hinangaan namin ang katatagan ni Boots nang sabay noon magkasakit ang kanyang namayapang mister na si Pete Roa at anak na si Joey. Gumaling si Joey at sumakabilang-buhay naman si Pete na may kung ilang taon ding nakipaglaban sa kanyang sakit. Up to the very end ay hindi bumitaw sa kanya si Boots.