Modus operandi ng ‘Eskoba gang’ bibistuhin ni Julius

MANILA, Philippines - Tatalakayin ni Julius Babao ngayong Lunes (Dec. 2) sa Bistado ang kuwento ng isang 42-anyos na lalaking biktima ng Eskoba Gang na nalimasan ng pera at iba pang mahahalagang gamit matapos niyang makatulog sa bangketa dahil sa sobrang kalasingan. 

Alamin ang diskarte ng kilabot na Eskoba Gang, na kilalang nananamantala at nagnanakaw sa mga natutulog na pasahero sa mga pampublikong sasakyan, base sa karanasang idedetalye ni “Edwin.” 

Magbabahagi rin ng kuwento ang isang aleng nag­hahanap lamang ng trabaho ngunit sinalisihan ng isang babaeng nagpanggap na kapwa aplikante. Tinangay umano nito ang kanyang bag na naglalaman ng pera, gadgets, at mahahalagang dokumento. 

Huwag palampasin ang Bistado kasama si Julius Babao, ang inyong katuwang sa seguridad at proteksiyon ng pamilya ngayong Lunes, 4:45 p.m., sa ABS-CBN.

Para sa updates sa programa, i-like ang www.facebook/BistadoTV o i-follow ang @BistadoTV. Para naman sa mga reklamo at sumbong, maaari itong idulog sa hotline na 414-2539 at i-text ang Bistado (space) (message) at i-send sa 2327 para sa Globe subscribers at sa 0917-8902327 para sa ibang network.

 

Show comments