PIK: Buo ang paniniwala ng dating StarStruck avenger at Pinoy Big Brother housemate na si Johan Santos na tinulungan siya ni San Pedro Calungsod na malagpasan ang tangkang pag-carnap at pagpatay sa kanya ng mga carnapper.
Kasali si Johan sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang San Pedro Calungsod: Ang Batang Martir at naniniwala siyang malaki ang nagawa sa kanya ni San Pedro pagkatapos niyang mapag-aralan ang kuwento ng buhay nito.
Inilahad ni Johan kung paano niya natakasan ang mga carnapper na nagtangkang kunin ang kanyang kotÂseng gamit. Hindi rin siya makapaniwalang naiwasan niya ang pamamaÂril ng mga masasamang loob.
Nagpapasalamat siya kay San Pedro Calungsod na tingin niyang nagÂligtas sa kanya sa sakunang iyon.
PAK: Totoo kaya ang nabalitaan namin na daÂlawa sa dating miyembro ng isang sikat na all-female group ang hindi na puwedeng makitang magkasama sa isang production number?
Pareho silang magaÂling sumayaw pero mas magaling siyempre ang isa sa kanilang dalawa.
Hindi masyadong sikat ang mas magaÂling sumayaw pero mas bongga ang manager ng isa at meron siyang plano sa career ng alaga niya. Tingin nito na mas mabuting huwag isabay sa sayawan ang dating ka-miyembro ng alaga niya na mas magaling pang sumayaw.
BOOM: Maraming Pinoy ang nalungkot sa maagang pagyao ni Paul Walker ng Fast & Furious.
Namatay ito sa isang car crash sa Southern California, USA nung Sabado ng hapon sa kanila. Ang nakakalungkot pa raw, nanggaling siya sa isang car race event para sa mga Yolanda victim sa Pilipinas.
Makikita sa YouTube ang mensahe ni Paul para sa Yolanda victims kasama sina Vin Diesel, Michelle Rodriguez, at ilan pang kasamahan sa Fast & Furious. Binanggit pa niya kung gaano nila kamahal ang Manila at ang mga Pinoy.