Hindi ba kumpiyansa si Richard Gutierrrez sa kanyang kakayahan bilang TV host? Nakapagtatakang nagulat daw ito nang manalong best TV host para sa programa niyang Pinoy Adventure.
Kumpara sa ibang katulad niyang palabas, hindi lamang niya naihatid ng maganda ang programa niya sa manonood. Naipamalas din niya ang kanyang kakayahan bilang isang adventurer at talaga namang nakaaaliw ang kanyang programa. Nawa’y magsilbi ’yung inspirasyon para hangarin niyang balikan agad ang kanyang trabaho sa TV.
Bea malaking bulas para sa Dyesebel
Masyadong malaking bulas si KC Concepcion at maging si Bea Alonzo para gumanap ng role ni Dyesebel. Puwede si Anne Curtis pero mas magandang vehicle ito para sa pinakabatang Barretto, si Julia, na nag-artista.
Masaya at magandang celebration sa Pasko
O, may pag-asa pang magkaro’n ng masaya at magandang celebration ng birthday ni Jesus Christ ang mga press dahil ang mga alaga raw ni Lolit Solis ay hinihikayat niyang huwag magkansela ng party.
Mabuhay ka, Lolit! Mas mamahalin ka pa ng mga colleague mo sa panulat. Mahirap ang buhay ngayon. Marami sa kanila ang napakaliit ng tinatanggap na writing fees. Itong mga Christmas party lang ng mga producer at artista ang inaasahan nila, ’tapos mawawala pa? Kaya mabuhay ka Lolit sa pagbibigay ng pag-asa sa kapwa mo manunulat.