Gusto raw ni Sam Milby na ipakilala na ang nililigawang si Jessy Mendiola sa mga magulang ng aktor ngayong Kapaskuhan.
“Sana naman makilala niya ’yung mom and dad ko. Kaya lang parang sa schedule niya wala naman siyang time ngayon,†bungad ni Sam.
Hindi rin masyadong nagkikita ang aktor at ang dalaga dahil sa mga trabaho ni Jessy sa kasalukuyan.
“Grabe ’yung sched niya. In almost two months, dalawang beses lang kaming nagkita. It’s been hard. We’ve been keeping in touch but it’s still very early in the getting to know stage,†pagtatapat ng binata.
Matatandaang si Sam ang unang umamin sa telebisyon kamakailan na nililigawan niya si Jessy.
“That’s the one thing I never did even sa mga ex ko. I was never vocal. I never wanted to make that mistake again. Pero siyempre I don’t want for people to get the wrong impression. I wanted to just let her know that I like her, that I’m making ligaw,†paliwanag ni Sam.
Hindi na rin nagtataka ang aktor kung bakit maraming mga lalaki ang nauugnay ngayon kay Jessy katulad nina Jake Cuenca at ang magkapatid na basketbolistang sina Jeric at Jeron Teng.
“It’s not surprising. I don’t see any guy na walang crush kay Jessy. She’s very beautiful, gorgeous. She’s blooming right now. She has everything going for her,†giit pa niya.
Pokwang sinalo ang inayawan ni Mega
Palabas pa rin sa mga sinehan ang Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang. Naging second choice lamang pala ang komedyana sa nasabing proyekto dahil para kay Sharon Cuneta raw talaga dapat ito. Nalaman naman daw kaagad ni Pokwang kung ano ang nangyari kaya hindi na rin niya tinanggihan ang proyekto.
“Ako naman bilang maganda naman ’yung proyekto eh, bakit ko tatanggihan at saka kung marami ka namang mapapasayang tao ’di ba? Sinasabi nila na parang last movie ko na, kaya itinodo ko na, †nakangiting pahayag ni Pokwang.
Ayon sa direktor ng pelikula na si Don Cuaresma ay dumaan daw sa matinding revision ang kanilang script para bumagay ito kay Pokwang.
“Originally kasi drama siya then nakita na may potensiyal siya sa comedy. Then nai-match in terms of humor and delivery sa personalidad or sa kakayahan ng mga comedian natin, lalo na kay Mamang (palayaw ni Pokwang),†pahayag ni Direk Don.
“One thing is, if you’re going to make a movie about call center, it should be comedy. Baka mamaya maantok sila ’pag drama. From the Sharon Cuneta script, iniba talaga, ‘pinokwangized’ ’yung material para mag-fit sa kanya. I’m not saying Sharon does not do comedy, she is just not known for that. But Pokwang is an actress, who can do drama and comedy.†- Reports from JAMES C. CANTOS