MANILA, Philippines - Tutok lang sa GMA News TV sa programang Gandang Ricky Reyes Todo NaToh (GRR TNT) ngayong Sabado, alas-nuwebe ng umaga daÂhil may mga pampabuwenas na handog dito para sa nalalapit na Kapaskuhan.
Samahan natin ang pagdalaw ni ChickidoÂra (ang komikerang sidekick ni Mader Ricky) sa piÂnaÂkamalaking karnabal sa Pilipinas na Star City. Napakaraming sasakyang pambata at pangmaÂtanÂda sa naturang amusement park na bukas 365 days.
May mga masasarap at kaya ng bulsang putaheng pang-noche buena na ibabahagi ang isang chef na bisita sa programa.
“’Di naman kailangang magarbo o mamahalin ang sangkap. Ang mahalaga’y masarap at nakaÂbubusog ang ihahain sa family bonding kung Disyembre 24,†sabi ng master cook.
Kahit taghirap ang ekonomiya dahil sa mga nagdaang trahedya, kailangan ding magbigay ng ligaya sa mga bata na umaasang darating si SanÂta at bibigyan sila ng regalo. Magbibigay si Mader ng mga lugar kung saan maraming mabibiling murang laruan.
At sa mga nag-iisip ng ipamimigay, may persoÂnalized items na ipakikita sa show tulad ng mugs, tumÂblers, ashtrays, at iba pa na souvenir na rin, gaÂmitin araw-araw at swak sa budget.
Bigyang kulay ang bahay na ’di kailangang buÂÂmili ng mga mamahaling décor. Ipakikita kung paÂÂano mapag-uubra ang mga palamuting ginamit nung nakaraang taon sa pagdaragdag lang ng pakintab at ibang arrangement.
Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision.