MANILA, Philippines - Ang original primetime king ng GMA 7 na si Richard Gutierrez ang nag-uwi ng best travel show host trophy noong Linggo sa 37th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na may delayed telecast sa Linggo sa ABS-CBN pagkatapos ng Gandang Gabi, Vice.
Nanalo ng nasabing award si Richard para sa Pinoy Adventures, ang dati niyang show sa Kapuso Network na ginawa niya under GMA News and Public Affairs.
Ayon kay Richard, nasa Star Awards for Television siya dahil sila ng twin brother niyang si Raymond, kasama ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, ang hosts that night at nagulat na lang siya nang nagmamadaling pumasok sa dressing room nila ang floor director at hinihila siya papunta sa stage dahil nanalo siya ng award.
“At first, nabigla ako, kaya tanong ako nang tanong kung anong award ang pinanalunan ko. Hindi naman masabi ng floor director, basta nanalo raw ako ng award at kailangan na ako sa stage to accept it,†napapangiting kuwento ni Richard.
Nang iabot na sa kanya ang trophy at basahin niya ang nakasulat doon na best travel show host ay saka pa lang na-realize ni Richard na ’yon pala ang kategoryang napanalunan niya.
Nominated din kasi si Richard sa kategoryang best reality competition show host para sa Extra Challenge show nila ni Marian Rivera kaya naliÂto ang binata at hindi alam kung saan siya nanalo dahil nasa dressing room siya at hindi narinig nang tawaging winner ang kanyang pangalan sa best travel show host.
“I’m so happy. Nabigla ako pero ’yung pagkabigla siyempre napalitan ng happiness. Very thankful ako sa mga taga-PMPC at ako ’yung nanalo sa cateÂgory na ’yon and I’m also very thankful sa mga taga-GMA News and Public Affairs for giving me that show dahil na-enjoy ko talaga ‘yung paggawa ng show na ‘yon,†sabi ni RiÂchard.
Sa pagkapanalo ng nasabing award, lalo tuloy na-miss ng fans si Richard at ang lahat nga ay nagtatanong kung after maging Kapuso sa loob ng 11 years, saan na kayang network pupunta ang actor-TV host?
Anyway, sa ngayon ay busy si Richard at nagsiÂmula na ang taping ng reality TV show ng kanilang paÂmilya, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez na ipapalabas sa isang international TV network, hindi pa puwedeng i-announce, at nagsimula na rin siya ng shooting ng pelikulang Overtime under GMA Films. (JL)
Edu bubusisiin kung may career pa si bayani
Isang gabi na naman ng katatawanan at masayang usapan ang dapat abangan ng avid followers ng late-night comedy talk, What’s Up, Doods?, ng TV5 ngayong Sabado, alas-diyes.
Pangungunahan ng komedyanteng si Bayani Agbayani ang pakikipaghuntahan sa batikang TV host-actor na si Edu Manzano na, sa totoo lang, matagal-tagal na rin niyang kaibigan sa tunay na buhay.
Alamin kung ano na ang mga plano ng komedÂyante sa kanyang career at personal na buhay sa isang no-holds-barred interview kasama ang equally witty at naughty na What’s Up, Doods? host.
Bukod kay Bayani, makikipagkulitan din kay Edu ang kaakit-akit na model-host na si Kelly Misa at ang rising comedian na si Mikey Bustos.
Makigulo, makitawa at makitsika kasama si Edu at ang kanyang tatlong guests ngayong Sabado ng gabi sa bagong pinag-uusapan at kinagigiliwang comedy-talk show, ang What’s Up, Doods?, sa mas pinalakas na We Can Do It Better weekend primetime block ng Kapatid network, TV5.
Andres Bonifacio 150th kaarawan ngayon
Isa at kalahating siglo ngayong Sabado, ipinanganak si Andres Bonifacio sa Tondo. Mula sa hindi mayamang pamilya, nabuhay nang sandali lamang, nag-iwan siya ng marka sa kasaysayan bilang isa sa mga bayaning dapat ipagbunyi dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan.
Sa kanyang ika-150 na kaarawan, tampok sa Katipunan docudrama ng GMA 7 ang pagsimula na ng pag-atake ng Katipuneros sa Maynila at Cavite.
Bilang tugon, inilagay ng mga Espanyol sa ilalim na ng batas militar ang Maynila at pitong lalawigan sa paligid nito.
Kung dati ay disimuladong paniniil ang ginagawa ng mga sugo ng Espanya, ngayon ay hayagang pagpapahirap na ang taktika nila. Nagtatag sila ng mga karsel at dito ipinalasap sa mga Pilipino ang mga paraan ng pagpapahirap na ginawa rin ng Espanya sa iba nitong kolonya.
Ang akala ng ilang mga ilustradong taksil sa baÂyan ay ligtas ang hanay nilang mga mayayaman sa gulo. Hindi nila alam na bilang ganti sa kanilang pagÂtalikod sa interes ng Katagalugan, isinama ni Supremo Andres Bonifacio ang kanilang pangalan sa listahan ng mga nagbibigay ng pondo sa Katipunan. Dahil dito maging silang mga taksil ay nadawit sa parusa ng mga guardia civil, isang patunay na tuso rin ang Supremo.
Sa kabundukan, matapos ang ilang araw na pagÂlalakad na batbat ng pagsubok, matatagpuan din ni Oriang si Andres. Lalakas ang loob ng Supremo sa piling ng Lakambini ng Katipunan.
Dalawang importanteng tauhan ng Katipunan ang papanaw sa ikaanim na yugto ng kauna-unaÂhang historical docu-drama ng GMA News and Public Affairs. Alamin kung sino sila sa Katipunan ngayong Sabado, 10:15 ng gabi sa GMA7.