Kung si Lauren Young lamang ang masusunod, gusto niya na sa Pilipinas mag-spend ng Christmas ang kanyang kapatid na si Megan Young, ang crowned Miss World 2013. Pero naiintindihan ni Lauren na ang 2nd homecoming ni Megan ay bahagi ng kanyang misyon bilang Miss World at ilang araw lamang siya mananatili rito kasama ang ilang representatives ng Miss World para ipaabot ang kanilang tulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban at Palawan. Timing din ang pagdating ni Megan dahil sa December 1 ay makakadalo siya sa paglagay ng kanyang pangalan sa Stars Walk of Fame sa Eastwood City in Quezon City sa ganap na ika-5 ng hapon na brainchild ng Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno.
Nagpapasalamat kami kay Ms. Cory Quirino, ang managing director ng Miss World-Philippines dahil sa kanyang tulong na mapadalo si Megan sa launch ng kanyang pangalan sa Walk of Fame.
Kahit na-trauma ang Anaheim-based concert producer na si Tito Al Chu sa bagyong Yolanda sa kanyang hometown sa San Roque, Tacloban, Leyte habang ito’y nagbabakasyon doon kasama ang kanyang Puerto Rican wife na si Elizabeth at kapatid na si Mariquita, unti-unti naman itong napawi nang siya’y makarating ng Maynila at makadaupang-palad ang mga kaibigang celebrities. Matapos maging biktima ni Yolanda, agad sumakay ng C-130 sina Tito Al at Elizabeth patungong Maynila at pansamantala silang nag-stay sa Remmington Hotel bago lumipat ng Discovery Suites sa Ortigas Center kung saan nila mananatili hanggang December 1. Come December 2 ay babalik na rin sila ng Anaheim, California kung saan naiwan ang kanilang dalawang anak na sina Albert at Kimberly na sobrang nag-worry matapos manalanta ng Yolanda.
Tuwang-tuwa si Tito Al dahil parang walang nangyari sa kanya at sa kanyang misis nang makita niya ang kanyang mga showbiz friends mula kina Boss Vic del Rosario, ang mag-asawang Veronique at Jon Ilagan, June Rufino, ang pamilya ni Sarah Geronimo, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, Annabelle Regalado, Direk Maryo J. de los Reyes, Ronald Constantino, Ricky Lo, Jojo Gabinete, at Lhar Santiago. Very helpful din sa kanya ang dalawang entertainment writers na sina Mildred Bacud at Rommel Placente na walang palyang sumasama sa kanilang mga lakad at bumibisita sa kanilang hotel room.
Hindi man mabubura ang traumatic experience nila sa bagyong Yolanda, somehow napalitan ito ng pasasalamat dahil walang buhay ang nawala sa kanyang mga kaanak sa Tacloban at ligtas silang makakabalik ng Anaheim, California to be with their children.
Nagmistulang Children’s Party
Alam mo, Salve A., nagmistulang children’s parÂty ang ginawang general presscon para sa peliÂkuÂlang My Little Bossings na ginanap sa Events Place in Quezon City last Wednesday evening dahil sa pagkain at maraming give-aways na ipinamigay. Ultimo dirty ice cream, cotton candy, pop corn, gummy candies, at kung anu-ano pang pagkaing bata ay nagkalat sa venue kaya nag-enjoy ang mga naimbitahang press. Hindi naman kataka-taka dahil ang mga little bossing ng pelikula ay sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap na pareho na ring celebrity endorsers.