Salamat sa mga peliÂkula at palabas sa TV na giÂnagawa para sa pinakahuling santong Pilipino na si Pedro Calungsod daÂhil mas makikilala na siya ng mga Pilipino. Wala halos record tungkol sa napakabatang santo na naÂÂÂmatay ng napakabata dahil mas ginusto nitong palaganapin ang Katolisismo kaysa i-enjoy ang mga karaniwang ginagawa ng mga tulad niyang kaÂbataan pa.
Hindi lamang naman ang batang martir ang nagÂdaan sa hirap sa kanyang murang buhay. MaÂging ang actor na gumanap sa kanya sa pelikula ng HPI Synergy Group at Wings Entertainment na Pedro Calungsod, Batang Martir na si Rocco Nacino ay nagdaan din sa maraming hirap at panganib habang ginagampanan ang kanyang role. Naroong kinailangan niyang tumakbo ng malayo suot ang kanyang bakya habang nanganganib mahulog mula sa ulo niya ang suot niyang wig. Minsan din ay kinailangan siyang sakloÂloÂhan ng mga divers dahil muntik na siyang malunod habang nasa ilalim ng ilog.
“Pero payag akong pagdaanang muli ang hirap dahil kailangang-kailangan ng mga tao sa panahong ito ng maraming pagsubok at kalamidad ang makakapitan at masasandalan. Si Pedro Calungsod ay makapagbibigay sa atin ng pag-asa at inspirasÂyon,†anang aktor na ipagpapasalamat sa batang santo ang magandang takbo ng kanyang karera simula nang gawin niya ang pelikula.
“Isang Born Again Christian ako at hindi nabago ng pelikula ang paniniwala ko, pero pakiramdam ko sinusubaybayan niya ako at nakakausap ko siya sa aking isip. Dun pinasasalamatan ko siya,†pag-amin ng actor.
Maganda at kakaiba ang ginanap na presscon para sa pelikula. Nagkaroon ng raffle ng cash at in kind after the fashion show na kung saan ay itinampok ng mga artista ng pelikula, Rocco, Christian Vasquez, Jestoni Alarcon, Robert Correa, Carlo Gonzales, Alvin Aragon, Johan Santos, Migui Moreno, Isadora Velasquez, at marami pang iba suot ang mga costume na ginamit nila sa pelikula.
Dalawang taon ang ginawang research ng writer/director ng Pedro Calungsod na si Francis Villacorta, isang nakatapos ng History/Political Science sa La Salle, para makagawa ng kuwento tungkol sa batang santo.
Ate Guy bibiyahe pa-Tacloban, fans nangangalap ng donasyon
Para sa mga biktima ng Yolanda, magtutulung- tulong lahat ng mga organisadong Noranians o fans ng Superstar para matulungan sila.
Ganito namang suporta ang dapat din ay gawin ng mga tagahanga ng ibang artista. Hindi ‘yung pakikialam lamang maski na sa personal na buhay ng mga idolo nila ang pinag-aaksayahan nila ng panahon at pakikipag-away sa mga tulad din nilang tagahanga.
Lahat ng malilikom na donasyon ay si Nora mismo kasama ang mga opisyales ng kanyang foundation at ng mga organisasyon ng kanyang mga fans, local man o international, ang mamamahagi sa mga nasalantang lugar sa Disyembre 15.