PIK: Maganda ang feedback sa bagong game show ng GMA 7 na Picture! Picture! ni Ryan AgonÂcillo. Mamayang gabi ay mas kuwela ang labaÂnan nina Andre Paras, Francine Garcia, Glaiza de Castro, at Julie Anne San Jose.
PAK: Trabaho lang para kay Rocco Nacino ang pagganap bilang San Pedro Calungsod na entry ng HPI Productions.
Malaking challenge sa kanya na gampanan ang bagong canoÂnized na Filipino saint pero hindi raw niya ito dinadasalan dahil isa siyang Born Again Christian at wala kasi silang pinapaniwalaan o dinadakilang santo. Ito raw ay trabaho lang at hindi na pinipersonal.
“It comes with the job at ’yan ang sinasabing challenge, lalo na para sa akin, fulfillment ito. Trabaho lang ito. Walang personalan,†sabi ng Kapuso actor.
Bilang isang Born Again Christian, ang Diyos lang daw ang dinadasalan niya at hindi sa isang santo. Pero nagpapasalamat daw siya kay San Pedro Calungsod na sa kanya naibigay ang naturang pelikula.
Naniniwala naman daw si Rocco na sa tulong ng seÂcond Filipino saint, magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang pelikula at lalaban ito sa mga naglalakihang pelikulang makakatapat nila sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
BOOM: Dahil sa pagtatalak ni Mommy Dionisia sa isyu ni Manny Pacquiao, dumami na naman ang alok nitong TV guestings para magsalita at talakan ang government tax agency.
May ilang programang willing paliparin si Mommy Dionisia ng Maynila para lamang mag-guest sa kanila pero tinanggihan niya ito lahat.
Ayaw daw niyang umalis ng General Santos City dahil sa rami raw ng ginagawa niya. Puno raw ang schedule niya sa buong buwan ng December kaya hindi siya puwedeng umalis.
Tinanong namin kung ano ang pinagkakaabalahan nito, hindi na kami sinagot. Basta busy daw siya at hindi raw maisingit sa schedule ang mga TV guesting.