MANILA, Philippines - Buong mundo ang nagimbal sa trahedyang sinapit ng ilang lalawigan ng Pilipinas matapos itong masalanta ng Bagyong Yolanda. Bawat isa sa atin ay naramdaman ang lungkot, takot, at paghihirap na dinanas ng ating mga kaÂbaÂbayang naapektuhan.
Pero paano naman ang mga tao mismong nandoon sa gitna ng daluyong?
Ngayong Sabado, sasamahan ni Love Añover si Ms. Mel Tiangco sa isang espesyal na handog ng Magpakailanman para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
Ikukuwento ni Love sa atin kung ano ang mga dinanas nila ng kasamahan niya sa news—at ang triumphant human spirit na kanilang nasaksihan sa mga mamamayan ng Leyte.
Si Sunshine Dizon ang gaganap na Love Añover ngayong Sabado sa episode na pinamagatang Sa Mata ng Daluyong: The Typhoon Yolanda TraÂgedy.
Napapanood ang Magpakailanman tuwing SaÂbado ng gabi, after Vampire Ang Daddy Ko.