Vic mas lalong dapat magpabata
Hindi naman siguro maiinsulto si Vic Sotto kapag napagkakamalan siyang ama at hindi boyfriend ni Pauleen Luna. Dapat nga sanayin na niya ang sarili niya rito dahil sa ayaw at gusto niya, bata ang karelasyon niya na bagama’t tinatanggap na rito sa bansa natin ay aminin natin na kakaunti pa naman ang may ganitong kaso.
Huwag nang mainsulto si Bossing Vic at ipagpatuloy na lamang ang pagpapabata ng kanyang hitsura na matagal na niyang nagagawa kahit nung bago pa lamang sila ni Pauleen.
Kailangang siya ang sumabay kay Pauleen and not the other way around. Okay ba, Bossing?
Mommy DionIsia nasa lugar ang pagtataray
Tama rin naman na magtaray si Mommy Dionisia Pacquiao sa TV dahil sa pinaniniwalaan niyang panggigipit ng gobyerno sa kanyang anak na boksingero. Tuloy, pati ’yung kasong panghihingi ng buwis sa kinita niya sa isang komersiyal ay nabuko.
Pero hindi ba ’yung halaga na tinanggap niya sa kanyang trabaho bilang endorser ay natanggalan na ng withholding tax para hindi na siya mamÂroblema?
Kayo namang nasa pamahalaan, ayusin n’yo nga ang trabaho n’yo dahil baka naman mawalan ng tiwala sa inyo hindi lamang ng mga tao kundi lalo na si P-Noy na siyang naglagay sa inyo sa inyong puwesto.
Kung ganyang mali-mali ang pinaggagagawa n’yo ay malamang mapalitan kayo. Alalahanin n’yo na lahat ng kapalpakan n’yo will reflect on the president. Kaya ingat lang.
Kapamilya at Kapatid nanguna sa pagkansela ng party
Walang Christmas party for the press ang ABS-CBN at TV5, nauna na silang magkansela. IbibiÂgay daw sa mga biktima ng Yolanda ang dapat sana ay gagastusin nila sa pa-party na ginagawa naman nila taun-taon. Magbibigay na lang sila ng Christmas gift na maa-appreciate naman ng mga taga-media dahil ang mga manunulat din naman ay gumagawa ng kanilang tulong sa mga nasalanta.
Let’s just pray na matapos na ang mga ganitong kalamidad at makabangon na ang mga nasalanta para makapag-Christmas din sila ng masaya.
- Latest