PIK: Masayang dumating ang Miss World 2013 Megan Young sa bansa nung isang gabi na may bitbit na 1.2 million dollars.
Iyon daw ang nalikom niyang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Megan, natutuwa siya dahil sa lahat na mga bansang napuntahan niya, talagang may nagbibigay daw ng donasyon para sa mga Yolanda victim.
Kahapon ay lumipad ito patungong Tacloban City, Leyte para pormal na iabot ang donasyong nalikom niya.
Hindi naman sinagot ni Megan ang kuwentong nagkita sila ni Mikael Daez sa London, England. Pumunta raw siya rito para magdala ng donasyon para sa mga kababayan niyang nangangailangan pa ng tulong.
PAK: Hindi sinagot ni Kris Aquino ang isyung kontra si James Yap sa pagpasok ng anak nilang si Bimby Yap, Jr. sa showbiz, bilang introducing na ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang My Little Bossings.
Ayaw na raw niyang sagutin dahil kung papatulan pa niya, magiÂging isyu pa.
“As long as I don’t react, it doesn’t become an issue. The best thing for me to do is not react,†diretso niyang sagot sa amin.
Kahit anong follow-up question namin tungkol kay James, hindi niya sinagot.
“’Yun ang natutunan ko kay Vic (Sotto), kung paano tumahimik. Ako lang ang maingay sa set,†sabi pa nito.
BOOM: Humarap si Richard Gutierrez kahapon ng hapon sa matagal nang kasong reckless imprudence resulting to homicide na isinampa sa kanya ni Lorraine Pardo, ang asawa ng nasira niyang personal assistant na si Nomar Pardo.
Ginanap ang hearing sa korte ng Silang, Cavite at nagkaroon ng arraignment na kailangang harapin ng aktor.
Kasama ni Richard ang ina niyang si Annabelle Rama at ang abogado nilang si Atty. Maggie Abraham.
Parang bad mood si Richard na dumating sa korte kaya hindi ito nakunan ng statement ng media na nag-cover doon.
Si Tita Annabelle lang ang nagsalita na hindi sila magbibigay ng statement.
Sabi naman ng abogado nilang si Atty. Abraham, magsa-submit daw sila ng written reply at magkakaroon pa naman ng mediation.
Kaya tingnan na lang natin kung maaayos pa sila sa mediation.