Bimby very very konti lang ang pagka-in love kay Ryzza Mae

SEEN : Humagalpak ng tawa si Vic Sotto nang sabihin ni Bimby Yap na in love ito kay Ryzza Mae Dizon pero “Very very konti lang.”

SCENE : May special participation sa My Little Bossings ang mga product endorsement ng mga bida ng pelikula.

SEEN: Hindi camera conscious si BIR Commissioner Kim Henares na palaging nakangiti habang nagpapaliwanag sa TV tungkol sa problema sa tax ni Congressman Manny Pacquiao.

SCENE: Nine-years older si Marian Rivera kay Alden Richards, ang leading man niya sa Carmela, ang kanyang bagong primetime show sa GMA 7 sa 2014.

SEEN: Ang balak ni Senator Miriam Defensor-Santiago na idemanda si Senator Juan Ponce-Enrile dahil sa mga sinabi nito laban sa kanya sa privilege speech sa senado noong Miyerkules.

SCENE: Hindi matutuwa si Anderson Cooper kapag nalaman nito na nakakalat pa rin ang mga bangkay sa Tacloban City, tatlong linggo matapos manalanta ng typhoon Yolanda.

SEEN: Dumating sa bansa noong Miyerkules si Miss World Megan Young upang ibigay ang pondo na nalikom ng Miss World Organization para sa Typhoon Yolanda victims.

Personal na da­da­lawin ni Megan ang mga nasalanta ng bagyo. Tatlong araw siyang sasama sa Red Cross.

SCENE: Ang ama­teur actress acting ni Jean Saburit sa Annaliza.

Hindi na natutong umar­te ang star ng Ang Babae sa Ilog, ang pamagat ng launching movie ni Jean noong 1981.

 

Show comments