Vic hindi pa rin pumiyok sa ‘special friendship’ nila ni Kris

Hindi nagselos si Bimby Yap, Jr. kay Vic Sotto dahil alam niya na girlfriend ni Bossing si Pauleen Luna na dumadalaw noon sa set ng My Little Bossings.

Wala pa sa mundo si Bimby nang maging special friend ng kanyang madir si Bossing noong dekada ‘90. Wala pa rin sa mundo si Joshua dahil dalaga pa noon si Kris Aquino.

Napag-usapan uli ang nakaraan nina Bossing at Kris dahil magkasama sila sa My Little Bossings. As usual, matipid ang sagot at next question please ang mga sagot ni Bossing sa questions ng mga reporter tungkol sa special friendship nila noon ni Kris.

Nag-enjoy ako sa presscon ng My Little Bossings dahil sa sangkatutak na giveaways. Hindi ko na nga hinintay ang pakim­kim ni Kris dahil nakuntento na ako sa sari-saring loot bags.

Children’s party ang concept ng My Little Bossings dahil mga bagets ang bida ng pelikula, sina Bimby at Ryzza Mae Dizon na walang ginawa kundi ang mag­kulay nang magkulay ng kanyang hawak na coloring book.

Natawa naman ako sa trailer ng My Little Bossings na malaki ang chance na maging No. 1 sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Kasali sa My Little Bossings si Aiza Seguerra na gumaganap bilang nanay ni Ryzza Mae. Magugustuhan daw ng LGBT ang kuwento ng My Little Bossings dahil binigyan sila ng importansiya sa pelikula.

Sa mga hindi alam kung ano ang LGBT — lesbian, gays, bisexual, and transgender ang meaning nito.

Official entry ang My Little Bossings sa darating na Metro Manila Film Festival. Walo ang pelikula na kasali sa MMFF at ang mga produ ng My Little Bossings ang unang nagpatawag ng presscon.

Mommy D. naloloka sa paniningil ng BIR na mas malaki pa sa TF ng KANYANG commercial

Hindi pa tapos si Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang mga emote. Matagal na raw siyang walang mga TV commercial pero naniningil pa rin ang Bureau of Internal Revenues (BIR).

May banta pa si Mommy D. na kung nasa Maynila lamang sila, hinarap na niya ang mga taga-BIR.

Sa totoo lang, tinalbugan pa ni Mommy D. ang kanyang anak. Sunud-sunod ang kanyang mga interview ha at talagang give na give ang kanyang pag-i-emote?!

Naloloka si Mommy Dionisia dahil sampung milyong piso raw ang sinisingil sa kanya. Mas malaki pa raw sa mga kinita niya sa mga TV commercial.

Higit 15 bands sa benefit concert bukas na

Reminder, bukas na ang Afteshock, ang benefit concert ni Sen. JV Ejercito para sa mga survivor ng lindol at bagyo sa Visayas.

Mahigit sa 15 bands ang performers sa Aftershock at hindi pa kasama ang mga kilalang singer na hindi tumanggap ng talent fee bilang tulong sa mga nasalanta ng lindol at bagyo.

Ilan sa performers ang banda ng True Faith, Shamrock, Mojofly, Orient Pearl, Nexxus, Alamid, The Youth, Soapdish, Filipinas Band, at sina Karla Estrada, Ronnie Quizon, Giselle Sanchez, Noel Caba­ngon, Paolo Santos, at Cesar Montano.

Ang Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City ang venue ng benefit concert at mabibili ang tickets mula sa Ticketnet sa murang halaga (P500). Sa mga interesado na manood, tumawag lamang sa 911-5555.

Happy birthday, MGB!

Belated happy birthday sa aming bagets-looking boss sa Star Group of Companies, si Papa Miguel G. Belmonte!

Good health, more datung, at more blessings ang mga birthday wish ko kay Papa Miguel na isa sa mga pinakamabait at understanding na employer.

Happy birthday, Papa Miguel!!!                                             

 

Show comments