Talaga palang ginagamit ng isang aktres ang kanyang koneksiyon para hindi magkatrabaho ang ex.
Kinuha sana ang ex ni aktres ng isang beauty clinic for men and women. Naisara na ang kontrata ni ex para maging endorser. Inaayos na ang launching at billboard. Pero tumawag si aktres sa isa sa mga may koneksyion sa beauty clinic. Sinabing ‘wag bigyan ng trabaho ang kanyang ex hubby.
Of course, nag-panic daw ang isa sa mga may-ari kaya agad-agad, hindi itinuloy ang launching ni ex hubby as endorser.
Wala na rin daw nagawa ang ex hubby at tinanggap na lang ang kapalaran niya.
Sarah may ibang gagawin sa repeat ng concert, Matteo manonood na raw?
Marami palang new guests si Sarah Geronimo sa repeat ng concert niyang Perfect 10 sa November 30 na gaganapin sa MOA Arena.
Pero pahulaan pa kung sinu-sino. Ang definite raw si Regine Velasquez na nagiging suki ngayon sa mga concert.
Anyway, excited na si Sarah dahil first time niyang magko-concert sa MOA Arena. Nasanay na raw siya sa Araneta Coliseum. Since mag-umpisa kasi siyang mag-solo concert, sa Araneta na siya.
Pero ready naman siya as in concentrated daw siya sa rehearsal ng ibang gagawin niya sa Perfect sa MOA na hindi niya nagawa sa November 15 concert.
‘Yup meron daw ibang gagawin si Sarah sa repeat ng Perfect 10. Parang nabitin daw siya, so itotodo raw niya sa November 30. Feeling niya raw may puwede pa siyang ibigay kahit pinupuri-puri naman siya ng mga nakapanood na. “Basta po, panoorin ninyo,†sabi ni Sarah.
Teka true kaya ang balitang manonood si Matteo Guidicelli sa Sabado? O titiisin niya si Sarah? Wait natin. Pasasaan ba’t malalaman din natin.
For tickets sa repeat ng Perfect 10, call SM Tickets at 470-2222.
Album ni Juris na nagpataob ng mga kilalang singer sa Singapore, nasa ‘Pinas na
Inilabas na kamakailan ng Star Records ang hit international album ng platinum-selling at award-winning recording artist na si Juris, ang Dreaming of You. FYI : Naungusan ni Juris sa HMV jazz chart ang mga kilalang SingaÂporean singer at maging ang international singer na si Norah Jones.
Ang Dreaming of You album na co-produced ng Star Records at ng kilalang Singaporean music company na S2S ay nanguna kamakailan sa listahan ng top jazz albums sa HMV, ang sikat na record bar label sa Singapore.
Tampok sa 19-track album ni Juris ang mga nakaka-in love na revival ng mga all-time classic ballads gaya ng Again ni Janet Jackson, Everything I Do (I Do It For You) ni Bryan Adams, I Honestly Love You ni Olivia Newton John, Do You Know Where You’re Going To ni Diana Ross, I Love You Goodbye ni Celine Dion, Don’t Say Goodbye, Say You Love Me, If Wishes Came True, If You And Me, Wishes, at ang carrier single na Dreaming of You na orihinal na inawit ng yumaong Latin singer na si Selina.
Bahagi rin ng tracklist ang mga kantang Got to Believe In Magic, Langis at Tubig, Hanggang Wakas, Sa Isip Ko, Akala Mo, Di Ko Inakala, Dahil Sa ‘Yo, at Sa ‘Yo Lamang.
Ang Dreaming of You album ni Juris ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P350 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, Amazon.com at MyMusicStore.com.ph.