PIK: Bagong Lovi Poe bilang si Lovelia ang mapapanood sa Akin Pa Rin ang Bukas ngaÂyong linggo dahil nagbabalik na siya para bawiin ang lahat na tinatamasa ni Agatha (Charee Pineda) sa kayamanan ng mga Villacorta.
Hindi kasi sanay magpaiksi ng buhok si Lovi kaya nanibago daw siya sa short hair.
PAK: Naging isyu sa PMPC Star Awards for TV ang acceptance speech ng mga representative ng winner na sinisimulan ng linyang “in behalf.â€
Ang sabi kasi nila, mali iyun dahil ang tama ay “on behalf.â€
Si Richard Pinlac ang tumanggap ng award ni Cristy Fermin na Female Best Showbiz-Oriented Talk Show host at sabi nito, tinatanong daw niya si Tita Cristy kung alin ang tama, ang “in behalf†o “on behalfâ€. Sabi raw ni Tita Cristy, “in behalfâ€.
May isang young actor ang patagong natawa dahil alam niyang “on behalf†ang tama. Pero tanggap na rin naman ngaÂyon ang “in behalfâ€.
BOOM: Hindi pala natuloy si Jennylyn Mercado nang pagpunta sa TacÂloban para hanapin ang iba pa niyang kamag-anak at magdala ng relief goods.
Dapat nung nakaraang linggo pa siya umalis, pero hindi pala ganun kadali ang magdala ng mga relief goods na isasakay mo sa C130 ng mga marine at navy.
Kailangan pa raw mag-request kaya hinihintay pa nito ang sagot kung kailan niya puwedeng maipadala ang mga relief goods para kasabay niya itong pagpunta sa Tacloban.
Hindi pa rin daw naayos ang magku-coordinate nang paghahanap nila sa mga kamag-anak niya doon.
Sabi naman ni Jennylyn, kahit nagsisimula na siyang mag-taping sa Rhodora X, isisingit pa rin niya sa kanyang schedule ang pagpunta ng Tacloban.