“I’m so grateful I was able to come to the Philippines and spend some time with some of the most resilient, beautiful spirits I’ve ever met,†tweet ng international singer na si Alicia Keys pagkatapos ng kanyang matagumpay na Set the World on Fire concert sa MOA Arena last Monday night.
Nakita kasi ni Alicia kung gaano kabaliw sa kanya ang Pinoy fans sa kabila nang matinding pinagdaraanan ng bansa.
Inabot ang concert ng halos isa’t kalahating oras. Ibang level si Alicia, buung-buo ang boses at ang galing sumayaw. Ipinakita rin niya ang kakaibang galing sa pagpapa-piano.
Sa umpisa ng concert ay hindi pa gaanong familiar sa mga dumagsa sa MOA Arena ang kanyang kanta pero nang bumanat na siya ng mga sumikat niyang kanta, na-baliw na ang kanyang Pinoy fans na nagbayad ng mahal lalo na ang mga nasa VIP area na halos P14k ang ticket sa medyo may kasikipan ang lugar dahil siniksik ang upuan sa VIP 1 and 2. Halos wala ngang leg area kaya ‘yung iba sa ibabaw ng upuan na dumadaan noong maaga-aga para magbanyo.
Kasama siyempre sa mga kinanta ni Alicia ang Brand New Me, No One, Fallin, Empire State of Mind among others.
Na-sorpresa naman ang lahat nang habang kumakanta si Alicia ng If Ain’t Got You na nagpa-piano ay biglang lumabas si Regine Velasquez. Wala kasing may idea na aapir si Mrs. Ogie Alcasid. Birit kung birit ang ginawa ni Regine sa kanta ni Alicia. Kaya naman talagang tilian ang audience.
Ang galing ni Alicia. Hindi tumitili at hindi OA pag kumanta. Simple lang din ang suot na pinalitan lang niya ang black dress sa last song na niya.
Bukod kay Regine, naging guest din ng American singer si Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas. Siyempre, nagulat din ang audience kaya nagtayuan ito at nakisayaw sa duet nilang Where is the Love na kanta ng grupo ni Allan Pineda aka Apl.de.Ap.
After ng duet nila at nagbihis lang sandali si Alicia at buÂmalik ng stage. Nagpasalamat siya sa mga nanood at nag-dialogue na “one of my favorite shows ever.â€
Nag-dialogue din siya na truly incredible at unforgettable ang kanyang concert sa bansa.
Nakita kong nanood ng concert si Sarah Geronimo kasama ang manager niyang si Mr. Vic del Rosario at ilang PBA players.
Sulit ang bayad sa concert ni Alicia kumpara sa ibang foreign artist na nagpo-promote lang ng mga album pag nagko-concert.
Bago ang concert ay bumisita ang award winning singer sa Villamor Airbase kung saan dinadala ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Samar.
Cristine at Jake nakakagulat ang ginawa
Ngayong araw na palabas sa mga sinehan ang pelikulang When the Love is Gone starring Cristine Reyes, Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Alice Dixson, and Jake Cuenca.
Nakakagulat ang ginawa ni Cristine sa pelikula dahil bigay na bigay siya sa kanyang pagpapa-sexy bilang asawa ni Jake at naging other woman ni Gabby.
Mag-ina naman sina Andi at Alice at moÂther naman ni Alice si Pia Pilapil. Ang perfect nilang tatlo bilang mag-iina.
Si Alice naman ay kakaiba sa movie habang si Jake naman ay nakakabilib sa kanyang character. Ang versatile niya at kering-keri ang kabaklaan na may asawa.
Napanood na namin ang pelikula nang magkaroon ito ng special preview last week kasabay nang pa-interview kay Gabby, at ang bongga ng twist ng kuwento. Ayon kay Direk Andoy Ranay, pina-modern nila ang kuwento kaya bumongga kesa sa original na pelikula ng batikang si Direk Zialcita na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.
By the way, Graded A pala ng Cinema Evaluation Board ang When the Love is Gone.
Megan Young darating ngayon
Ngayong araw pala nakatakdang dumaÂting ng bansa si Miss World Megan Young. Pagdating na pagdating ay pupunta raw ito sa mga sinalanta ng bagyo para ibigay ang mga tulong na naipon niya sa mga fund raiÂsing na isinagawa nila sa Amerika.