Lovi walang panahong magreklamo
Masasabing isa si Lovi Poe sa pinakamasuwerte dahil hindi ito nawawalan na project mapa-telebisyon o pelikula man. Enjoy si Lovi sa kanyang trabaho kaya wala siyang panahong magreklamo kung halos wala siyang pahinga.
Magkakaroon ng chance si Lovi na magpahinga ngaÂyong Christmas dahil sa Amerika siya mag-i-spend ng Christmas with her mom and sister na naka-base sa San Francisco, California.
Jennylyn gumagaling na ang sugat
Aminado ang singer-actress na si Jennylyn Mercado na hinÂdi siya masuwerte sa love deÂpartment dahil makailang ulit na siyang na-in love pero ito’y madaÂlas mauwi sa hiwalayan ng hindi maganda. Una siyang na-in love sa kanyang co-winner sa reality artista search, ang Starstruck na si Mark Herras. Sumunod dito ang aktor na si Patrick Garcia kung kanino siya nagkaroon ng isang anak, si Alex Jazz. Pangatlo ang singer-actor na si Dennis Trillo at ang pinakahuli naman ay si Luis Manzano. Although nasa moving-on process pa lamang si Jen dahil sa paghihiwalay nila ng binata ng estranged couple na sina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano, sinabi niya na unti-unti nang naghi-heal ang sugat sa kanyang puso pero hindi pa siya handa na muling umibig ng iba. Hindi pa sa ngayon dahil gusto niya munang papagpahingain ang kanyang puso.
Hindi ikinakaila ni Jennylyn na sobra siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Luis in the same manner na nasaktan din siya nang husto sa hiwalayan nila ng kanyang previous relationships.
Balikbayang produ hindi malilimutan ang sinapit sa bakasyon sa Tacloban
Hinding-hindi makakalimutan ng Anaheim, California-based concert producer na si Tito Al Chu ang kanyang naging karanasan sa bagyong Yolanda dahil nagkataong nagbakasyon siya sa kanyang hometown sa San Roque, Tacloban, Leyte nang manalanta ang pinakamalakas na bagyo. Kasama niyang nagbakasyon ang kanyang misis, ang Puerto Rican na si Elizabeth at kapatid na si Mariquita. Ang San Roque ay malapit lamang sa airport ng Tacloban at bahay ng mag-asawang Mayor Alfred at Kring-Kring Romualdez na kasama sa mga winasak ng bagyo.
Pasalamat si Tito Al na may second floor ang kanyang bahay kaya nakaligtas sila ng kanyang pamilya kasama ang kanyang mga pamangkin at mga apo sa pamangkin. Labing-apat silang lahat na na-trap sa loob ng kanilang bahay na nawalan ng bubong at pinasok ng mataas na tubig pero sa awa ng Diyos ay ligtas silang lahat.
Dahil walang damit na maisuot at walang makain, nagÂpasya si Tito Al at ng kanyang misis na sumakay ng C130 pa-Maynila at pansamantalang tumuloy sa Resorts World Hotel bago lumipat ng Discovery Suites sa Ortigas Center kung saan sila mananatili hangÂgang sa kanilang pagbalik sa Amerika on Dec. 1.
Limang taon bago nakabalik ng Pilipinas si Tito Al from his last visit at hindi umano niya sigurado kung kelan siya muling makakabalik matapos ang traumaÂtic experience sa bagyong Yolanda.
- Latest