Piling GMA costumes at props, tampok sa LitFest 2013

MANILA, Philippines - Kasalukuyang may exhibit ang GMA Network ng ilan sa mga pinaka-espesyal nitong costumes at props mula sa iba’t ibang Kapuso dramas sa LitFest 2013 ng Ayala Foundation.

 Ang LitFest ay isang taunang proyekto ng Aya­la Foundation upang mas lalong isulong ang Philip­pine literature.

Tampok ang mga costumes mula sa mga ma­ta­gumpay na telefantasyang Mulawin at Encantadia, at mga orihinal na epicserye na Amaya at In­­dio. Lahat  ito ay nagpapakita ng kagalingan ng kul­turang Pilipino, gayundin ang pagiging malik­hain ng mga bumuo ng mga programang nabanggit.

Makikita rin na naka-display ang sikat na Dwa­r­ina house, ganundin ang estatwang ginamit sa modern remake ng Machete ng Kapuso Network.

Bahagi rin ng LitFest 2013 ang mga piling me­morabilia mula sa isa pang landmark GMA drama, ang isa sa pinaka-pinag-usapang local drama, ang My Husband’s Lover.

Ang exhibit ng GMA sa LitFest 2013 ay matutunghayan mula hanggang 28 sa Glorietta Activity Center.

Show comments