Kris wala nang urungan ang paglipat sa bagong bahay!
Maggi-guest sina Kris Aquino at anak na si BimÂby Yap, Jr. sa Vampire ang Daddy Ko, ang sitcom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Oyo Sotto sa GMA 7. This Tuesday ang taping ng mag-ina at tiyak na riot ito dahil makakasama rin nila si Ryzza Mae Dizon na nasa cast ng sitcom at pelikulang My Little Bossings.
Kasama sa promo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Little Bossings ang guesÂtings nina Kris at Bimby.
Ang abangan natin ay ang paggi-guest nina Vic at Ryzza sa Kris TV dahil siguradong mangyayari. Nag-guest na si Ryzza sa morning show ni Kris sa ABS-CBN at nag-guest na rin sina Kris at Bimby sa The Ryzza Mae Show and hopefully masundan pa dahil mahaba pa ang promo ng MMFF.
This week naman ang lipat ni Kris at mga anak sa bago nilang bahay sa isang gated subdivision na malapit lang.
Kotse ni Tom nabangga habang minamaneho ng GF na si K-La Rivera
Hindi naman siguro magagalit si Tom Rodriguez sa girlfriend niyang theater actress na si K-La RiÂvera dahil ang dalaga ang nagda-drive ng Mazda 3 car niya nang banggain ng isang dump truck.
Last Saturday, Nov. 23, nangyari ang aksidente habang pauwi si K-La from Meralco Theater sa PaÂsig City after ng stage play na Addams Family. Basag daw ang harap ng kotse ni Tom pero ang maÂgandang balita, walang nangyari kay K-La dahil baka mapauwi ng hindi oras si Tom na nasa Amerika ngayon para sa My Husband’s Lover US tour.
Ang sweet nina Tom at K-La dahil pati kotse ng actor-singer, ipinapagamit sa huli. Nabangga nga lang na hindi naman sinasadya ni K-La. Tiyak nataÂranta si Tom!
Kahit pala sa Meralco Theater, nakaÂkuha pa rin kami ng tsika at sabi ng source namin ay dumadalaw si Tom sa reÂhearsal ni K-La ng Addams FamiÂly at kung minsan ay sinusundo pa ang dalaga at sabay na silang umuuwi.
Kasama dapat si Tom sa Addams Family at siya sana ang gaganap na Lucas, ang fiancé ni Wendy Adams (K-La). Hindi lang natuloy ang aktor dahil sa US tour. Sayang dahil bagay sa kanya ang role ni Lucas na napunta sa American theater actor na si Ryan Gallagher.
Kier Legaspi walang pakialam sa gulo ng mga Barretto
Nalulungkot at na-shock si Kier Legaspi sa nangÂyayari sa Barretto family at umaasa itong maÂayos pa ang anumang problema ng pamilya na nakilala noong nagkarelasyon sila ni Marjorie Barretto. Okay daw sina Mike at Inday Barretto and that time na sila ni Marjorie, wala pa sa showbiz si Claudine Barretto.
Nagkaanak sina Kier at Marjorie at 19 years old na ang anak nilang si Dani Barretto na isang fashion blogger at stylist ngaÂyon. Proud si Kier sa narating ng anak at sila naman ni Marjorie ay in good terms. Hindi siya nagtatanong sa gulo ng mga Barretto ’pag nakakausap ang anak at kahit si Marjorie.
Anyway, kasama si Kier sa cast ng Akin Pa Rin ang Bukas bilang ama ni Agatha (Charee Pineda) nakakulong. Nagpapasalamat ito na kahit wala siyang kontrata sa GMA 7, sunud-sunod ang soap niya. Katatapos lang ng Mundo Mo’y Akin, kinuha naman siya para sa Akin Pa Rin ang Bukas at natutuwa siya dahil challenging ang kanyang role.
Honored din si Kier na maidirek ni Laurice Guillen.
Marian sumama sa relief operations sa halip na magtrabaho
Hindi natuloy kahapon ang first taping day ng Catarina (Ang Pinakamagandang Babae Sa Buong Mundo) at ang balita namin, sa December na sisimulan ang taping at tuluy-tuloy na bago mag-Christmas break. Maganda ito para mas mapaghandaan pa ng husto ang bagong soap ni MaÂrian Rivera.
Sa halip na mag-taping, sumama si Marian sa Cebu para sa relief operations ng GMA Kapuso FounÂdation. Parang hindi puyat ang aktres dahil the night before, tinanggap nito ang best actress award niya for TV ng Star Awards para sa Temptation of Wife.
Kasama ni Marian sa cast si Direk Laurice Guillen na aarte this time, Agot Isidro, Jennica Garcia, Max Collins, Rochelle Pangilinan, Alden Richards, Raymond BagatÂsing, Mona Louise Rey, Andre Paras, at Roi Vinzon.
- Latest