Sabi ng press sa akin feel nila hindi pa raw totoo ’yung pagbabati nina Jake Vargas at Ken Chan. Pero ako ang nagsabi na bati na talaga sila.
Wala namang dapat ipagsintir si Ken dahil hindi naman iprinisinta ni Jake ang sarili niya. He was truly invited sa launch at wala siyang balak na mang-agaw ng moment kay Ken.
Pokwang todo ang suporta sa future ng anak
Ang suwerte naman ng dalaga ni Pokwang. Kasalukuyan nang pinag-iipunann ng komedyante ang ipagpapatayo ng restaurant ng kanyang anak na siyang balak nitong gaÂwing negosyo.
All out si Pokey sa project ng anak dahil alam niyang seryoso ito at sisiÂnupin ang perang pinaghihirapan niyang siÂnupin.
Sana rin ang lahat ng anak na may gustong gawin ay meron ding mga maÂgulang na kaya silang tustusan para sila magtagumpay. Tulad ng anak ni Pokey na si Mae.
GMA hindi pa nabibigyan ng trophy
Kayong mga taga-PMPC, baÂka maÂkalimutan n’yo, may utang kayong tropeo sa Kapuso Network bilang best station. Palagay ko tama lang na pagpantayin n’yo ang panalo ng Kapuso at Kapamilya Networks. Ayaw kong sabihin na nangunguna kami pero hindi ko rin sasabihin na nangunguna sila. Okay na sa akin na pare-pareho silang nagbibigay ng aliw sa lahat ng manonood ng TV. Pareho ring magaganda ang palabas nila at mga artista.
Ang daming nagsabi na parang ayaw ko nang isauli ang tropeo na unang tinanggap ni Bong Osorio ng ABS-CBN. Hiniram ko ito sa kanya dahil hindi ko mapi-feel ang gagawin kong pagpapasalamat kung wala akong hawak. Sa bugso ng kasiyahan ko, nakalimutan ko itong ibalik sa pinaghiraman ko. Kung hindi pa niya ito hiningi sa akin ay baka nadala ko pa.
Sorry, Mr. Osorio. PMPC promised na magpapagawa sila ng para sa amin. Wala silang reserba dahil hindi naman nila inaasahan ang mga tie-tie.