MANILA, Philippines - Nagkaroon ng pirmahan sa Memorandum of Agreement ang Taipei Economic Cultural Office (TECO) in cooperation with the Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng Film Cultural Exchange Program (FCEP) para sa pagbisita sa bansa ng magaling na director na si Ang Lee. Yes darating sa bansa ang sikat na Taiwanese director. At bahagi ng kanyang pagbisita sa bansa ang tribute sa Oscar winning director na pinamagatang A Salute to Ang Lee na gaganapin sa November 28 – 29, 2013.
Ang event ay mag-uumpisa sa special by-invitation screening ng pelikula niyang Life of Pi na kasalukuyan ngayon ipinalalabas sa Star Movies at ang historic open forum led by Director Ang Lee mismo na parehong gaganapin SM Aura Cinema. Kasama sa inaasahang makikiisa sa open forum ang mga kilalang Filipino filmmakers na sina Brillante Mendoza, Erik Matti, and Tikoy Aguiluz.
Siguradong maraming mapupulot ang sinumang dadalo sa forum sa pagsasalita ng pinakamatagumpay na Asian filmmaker sa kasalukuyan. Ang kanyang pelikulang Life of Pi noong 2012 ang nagbigay sa kanyang second Best Director award mula sa 85th Academy Awards. At siya ang kauna-unahang Asyano na nanalo sa Oscar, Golden Globe and BAFTA for Best Director.
Kasama sa mga pelikula niyang dinirek ang Pushing Hands (1992), The Wedding Banquet (1993), Brokeback Mountain (2005), Lust, Caution (2007), and Crouching Tiger, Hidden Dragon (2000).
Alicia Keys nakipagtsikahan sa mga bata sa evacuation center
Nakipagtsikahan pala ang International singer na si Alicia Keys kahapon sa mga batang nasa Villamor Airbase sa Pasay City bago ginanap ang kanyang concert kagabi sa MOA Arena.
Nag-donate raw ang international singer ng crayons at iba pang gamit na para sa mga bata at bahagi ng kita ng kanyang concert ay mapupunta rin sa mga binagyo.
Kaya lang naging aware kaya ang mga batang galing Tacloban na si Alicia Keys ang nakaharap nila? Unless kinantahan sila ng international singer.
Gretchen tuloy na sa role na inayawan ni Dawn
Tuloy na pala si Gretchen Barretto sa role na inayawan ni Dawn Zulueta sa pagsasamahan sana nilang pelikula ni Richard Gomez.
Ang sabi, gusto raw munang magpahinga sa drama ni Dawn dahil katatapos lang nitong mag-drama sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin at marami itong naubos na luha. At si Gretchen nga ang ipinalit.
Makakasama rin sa pelikula sina John Lloyd Cruz and Jessy Mendiola.
Nakabalik na pala ng bansa si Gretchen mula sa matagal-tagal na pamamalagi sa London. At in fairness hindi pa uli siya nagsasalita tungkol sa away nila ng kanyang mga magulang at kapatid na si Claudine.