Maging maingat tayo sa mga bibigyan ng donations dahil may mga tao na wala yatang konsensiya na nagagawa pang manloko ng kapwa gamit ang ibang tao.
At ang latest na ginagamit nila, si Batangas Gov. Vilma Santos. Kaya naman nag-warning ni Luis Manzano sa kanyang twitter account na walang twitter account ang mommy niya at hindi ito nangongolekta ng anumang pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
“Just to clarify, people have been using my moms “twitter account†to help collect funds for yolanda victims. My mom has NO twitter account,†sabi ni Luis.
Marami kasi talagang nagbibigay ng donations, pero ingat tayo sa bibigyan. Baka hindi makarating sa totoong nangangailangan ang ibiÂnibigay natin.
Pacman ikinuwentong ni-reveal ng diyos sa kanya na lalaki ang ipinagbubuntis ni Jinkee
Nagulat naman ako kay Madam Mel Tiangco nang tanungin niya si Jinkee Pacquiao habang ini-interview nila ni Mr. Mike Enriquez sa 24 Oras last Friday night kung may laman ba as in buntis dahil mukha raw namamaga si Mrs. Pacman.
Almost four months na ang ipinagbubuntis ni Jinkee at nang tanungin siya kung anong gusto nilang maging anak ni Cong. Pacquiao, sumagot si Manny na ini-reveal sa kanya ng Diyos na lalaki ang magiging anak nila. May hawak daw siyang (Manny) batang lalaki sa panaÂginip.
Kuya Germs bibigyan ng ‘STAR’ sa walk of fame si Anderson Cooper
Ano kayang magiging reaction ng CNN anchor/reporter na si Anderson Cooper pag nalaman niyang plano ni Kuya Germs Moreno na bigyan siya ng ‘star’ sa Walk of Fame sa Libis. Or may chance kayang malaÂman niya?
Sinabi ni Kuya Germs na malaki ang nagawa ng American journalist para malaman ng mundo ang tunay na nangyayari sa bansa matapos ang mala-tsunaming bagyo sa Eastern Samar para magpadala ang maraming bansa ng ayuda sa ating bayan.
Umaasa si Kuya Germs na darating sa bansa si Anderson sa paglalagay nila ng star.
Makikipag-communicate daw siya sa CNN para maimbitahan si Anderson Cooper na anak ng American socialite na si Gloria Vanderbilt.
Gastos ni Kuya Germs ang ‘star’ na inilalagay sa walk of fame.
Mga artistang Pinoy na may malaking kontribusyon sa industriya ang inilalagay na ‘star’ ni Kuya Germs sa Walk of Fame. Pero iba raw kasi ang nagawa ni Anderson Cooper.
Ilang galing Tacloban namamalimos na lang?
May mag-aamang nanghihingi ng limos sa mga jeepney driver sa area ng Cubao.
Bitbit ng ama ang dalawang anak. ‘Yung isa ay karga-karga niya at ‘yun isang batang babae ay ang higpit ng hawak sa ama. Nakakaawa. Lalo na ‘yung dalawang bata.
Hindi kaya ilan lang ang mag-aama sa mga nakaligtas sa bagyong Yolanda na sumakay ng C130 at dumating ng Maynila na hindi alam kung saan pupunta?
Sigurado naman hindi lahat ng sumasakay sa eroplano ay may kamag-anak sa Maynila.
Dapat sigurong tutukang maigi ng DSWD ‘yung mga pinakakawalan nila kasi lalong dadami ang nakatira sa mga kalsada at ilalim ng tulay sa buong Metro Manila kung hindi nila maihahatid sa kamag-anak or kung meron man ay baka hindi rin naman nakaluluwag ang buhay.
ALICIA KEYS TULOY ANG CONCERT
Bukas na, Lunes, ang concert sa bansa ng international singer na si Alicia Keys, Alicia Keys’ Set The World On Fire Tour na gaganapin sa MOA Arena. Maka-donate din kaya sa Yolanda victims/survivors si Alicia tulad nang maraming international singers na nakikisimpatya sa ating bansa dahil sa mala-tsunaming bagyo?