Philpop dinala sa iba’t ibang eskuwelahan ang adbokasiya!

MANILA, Philippines - Ang PhilPop Musicfest Foundation, isang or­ga­nisasyon na naglalayong bigyan ng edukasyon at halaga ang ating musika na iangat ang ating cultural identity at ipakilala ang galing ng mga Pilipinong mang-aawit at kompositor sa buong mundo, ang nasa likod ng isa na sa mga pinakamalaking songwriting competition sa bansa — amateur man o professional — ang PhilPop Music Festival 2013.

Matapos maipakilala ang mga nagwa­ging sina Thyro Alfaro, 21 years old, at Yumi Lacsamana, 22 years old, ang gina­wa nilang collaboration na R&B song Dati na inawit ni Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, at Quest – dinala nang PhilPop ang kanilang adbokasiya sa iba’t ibang eskuwelahan sa pama­ma­gitan ng Songwriting With the Maestro program ng executive director na si Maestro Ryan Cayabyab.

Sinusuportahan ng PhilPop board members na sina Ogie Alcasid at Noel Cabangon ang vision ni Maestro Ryan na mas mapagaling pa ang kakayahan bukod sa sa makapagbigay ng inspiras­yon.

“This is one of the major thrusts of PhilPop, to educate and inspire,” sabi ni Mr. C. “We give a free workshop to thousands of college and high school students each year and we give them more than just the basics. They’re not necessarily music students, in fact we cater anyone interested in music. We provide techniques that help them understand, appreciate and use songwriting.”

Bukod kina Thyro at Yumi, ang iba pang finalists na sina Jungee Marcelo, Joey Ayala, Adrienne Buenaventura, Johnoy Danao, Raffy Calicdan ay ak­tibo rin sa pagtuturo ng kaalaman sa iba pang songwriters at gusto pang sumali muli sa PhilPop 2014 competition.

Nakikipagtulungan ang PhilPop nga­yon sa Liceo de Cagayan, University of Ba­guio, Ateneo de Davao, De La Salle University in Naga, at sa susunod ay sa Mint College, College of St. Benilde, Adamson University, at iba pang uni­bersidad sa Manila. Bibisita rin sila sa Cebu, Bohol, Aklan, IloIlo, Ilocos Norte, Pampanga, at iba pang bayan.

Show comments