Maureen nawalan ng malaki nang matanggal sa Bubble Gang

’Buti na lamang at may mga negosyong naitayo si Maureen Larrazabal bago siya nawala sa Bubble Gang dahil kung ito lamang ang ginagawa niya ay baka mamatay siya sa lungkot. Ngayong hindi na nga siya kasali ay nami-miss niya ang pagpunta sa set nito. Salamat na lang at kahit nawala ang Bubble Gang ay may mga nakuha siyang kapalit na shows na siyang pinagbubuhusan niya ng oras ngayon.  

Kasama si Maureen sa Adarna na pinagbibidahan ni Kylie Padilla. Role ng asawa ni Jestoni Alarcon ang ginagampanan niya. Masungit siya sa anak-anakan nitong si Ada (Kylie) at gumagawa siya ng paraan para mapaghiwalay ang dalawa.

“Kontrabida na naman ang role ko. Dahil mabait naman ako in real life kaya effort sa akin magpaka-bad.  Pero I manage. Hindi pa lang ako nakakaganap ng all-out kontrabida pero mukhang dito naman papunta ang career ko. I don’t mind playing kon­trabida pero sana hindi palaging bad ang role ko. Maganda rin ’yung paminsan-minsan ay good girl ako, tulad ng role ko sa Anna Karenina na kikay,” sabi ni Maureen.

Buhay ni ‘Maximo Oliveros’ ilalantad

Bibida sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong gabi ang award-winning actor at bida ng internatio­nally-acclaimed independent film noong 2005 na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na si Nathan Lopez at ang kakambal nito sa tunay na buhay na si Gammy. Kapwa hindi lantad mula pagkabata ang tunay na kasarian ng identical twins na sina Elmer (Nathan) at Eric (Gammy).

Ngunit nang mamatay ng ama nilang sundalo, lakas-loob nang inamin ni Elmer sa lahat ang pagi­ging binabae niya — isang bagay na hindi ikinatuwa ng kanyang kakambal na piniling maging “closet queen.”

Tampok din sa MMK sina Jackielou Blan­co, Nikki Valdez, at Ri­cardo Cepe­da. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Nuel Naval.

Alex hindi namimili ng lalaki

Mula nang lumipat si Alex Gonzaga sa Kapamilya Network ay hindi na ito napahinga. Naging sunud-sunod na ang trabaho na hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa pagho-host ng mga programa.

Nakatutuwa na naging paborito na silang tambalan ni Robi Domingo sa trabahong ito. Hindi la­mang sila nagkakasundo, meron din silang che­mistry. Sayang at taken na si Robi at si Alex naman ay hinihinalang pino-pursue ng isang young politician kung kaya wala ng pag-asa na magkaro’n pa sila ng romansa ng co-host.

Bentahe ni Alex na hindi namimili ng kasama ang personalidad niya. Kung kay Robi ay maganda silang kombinasyon, hindi rin naman siya nahirapang makibagay sa mga lalaki ng Banana Split. 

Ngayon ay kay Sam Milby naman susubukin ang karisma niya. Pagpaparerahin sila sa ikalawang episode ng Wansapanataym Christmas Special.

 

Show comments