Sigaw ni Joey sa tatlong TV networks: Mga plastic sila, Goma tinawag na gago ang mayor ng Ormoc

Seen : Ang reklamo ni House Representative Lucy Torres-Gomez na umiiral ang pulitika sa pamimigay ng color coded relief goods sa Ormoc.

Uso rin sa national government ang color coding at  kitang-kita ang ebidensiya sa paninisi ni President Noynoy Aquino sa local government officials na hindi niya kapartido at ang pagsusuot nila ni DILG Secretay Mar Roxas ng yellow t-shirt sa devastated areas sa Visayas na kanilang pinupuntahan.

Scene : Ang tanong ni Joey de Leon: Just asking: Akala ko ba nagkakaisa Pilipino pag may calamity. Bakit may kanya-kanyang Songs for Yolanda victims ang 3 TV Stations? Plastic!

Seen : Ang unofficial report na  kalahating milyong piso ang nalikom mula sa benefit concert para sa Typhoon Yolanda victims ng ABS-CBN noong nakaraang Sabado, ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na.

Scene : Inaasahan ang pagdagsa sa PBB auditions ng mga kabataan mula sa Tacloban City.

Seen : Kritikal ang laban bukas ni Congressman Manny Pacquiao kay Brandon Rios sa Macau.

Kapag natalo si Manny, kailangan na niya na magretiro sa paglalaro ng boxing.

Scene : Kumpirmadong pasado si Rachelle Ann Go sa auditions ng Miss Saigon na muling itatanghal sa Prince Edward Theater sa West End  sa May 2014.

Gagampanan ni Rachelle Ann ang role ni Gigi Van Tranh na unang ginampanan ni Isay Alvarez noong 1989.

Seen : Si Lea Salonga ang isa sa mga unang nag-congratulate kay Rachelle Ann Go.

Si Lea ang gumanap na Kim sa original version ng sikat na musical play.

Seen : Ang kontrobersyal na tweet kahapon ni Richard Gomez: Patuloy ang color coding ng gagong mayor sa Ormoc!

 

Show comments