MANILA, Philippines - Magsasanib-puwersa ang 11 malalaking persoÂnaÂlidad sa showbiz at sports para maglaro sa 60-second circle ng top-rating game show na Minute to Win It upang makaipon ng P1 milyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Dati na nilang sinuong ang tila madadaling challenges ng Minute to Win It at nag-uwi ng malalaking premyo, ngunit sa special epiÂsode ngayon (Nov 22), magtitipun-tipon sina Martin Nievera, Joey Marquez, Gerald Anderson, Ella Cruz, John Estrada, Andrew E, Makisig Morales, Epi Quizon, Vandolph, Chieffy Caligdong, at Arwind Santos upang ilaan ang lahat ng kanilang makakaya para sa mga higit na nangangailangan. Magtagumpay kaya sila? Panoorin ang special ng Minute to Win It, na pinangungunahan ni Luis Manzano ngayong Biyernes (Nov 22), 11a.m sa ABS-CBN.