Rachelle Ann pasok sa Miss Saigon sa London?! Andi hindi kilala ang ‘ipinalit’ ni Jake Ejercito

PIK: Excited si Yasmien Kurdi sa pagkuwento na okay na sila ng Mama niyang nagtampo nang nagpakasal siya sa non-showbiz boyfriend niyang si Rey Soldevilla.

Parang tanggap na raw ngayon ito ng kanyang ina, at pati ang pagbago ng relihiyon ni Yasmien. Kaya dadalo raw ito sa first birthday ng kanyang apo na si Ayesha Zara sa Linggo na gaganapin sa Royal Palm Residences sa Acacia Estate, Taguig.

PAK: Totoo kayang pasok na raw sa Miss     Saigon si Rachelle Ann Go? Ayaw pang kumpirmahin ng kanyang handler, pero reliable ang nagsabi sa amin na siya lang daw ang nakapasok sa mga Pinay singers na nag-audition dito.

Sinubukan ng Startalk na hingan ng paha­yag ang singer tungkol dito nung mag-guest ito sa benefit concert ni Mark Herras sa Zirkoh Morato kamakalawa ng gabi. Ayaw pa munang magsalita ni Rachelle Ann tungkol dito. Mabuting hintayin lang daw ang announcement mula sa London.

Sana nga totoo, dahil kinarir talaga ni  Rachelle Ann ang audition sa Miss Saigon.

BOOM: “Hindi ko po siya kilala,” mabilis na sagot ni Andi Eigenmann nang tanu­ngin tungkol kay Coleen Garcia na na-link kay Jake Ejercito.

Muli niyang sinagot ang naturang isyu nang humarap ito sa press para sa pelikulang When the Love is Gone na magsu-showing na sa November 27. Sabi naman ni Andi, mas naniniwala siya sa mga sinabi ni Jake kesa sa mga kumakalat na intriga tungkol sa kanila ni Coleen.

“I trust Jake more than kung ano po ‘yung naririnig ko na sinasabi ng mga tao. So, it doesn’t matter to me,” pakli ni Andi.

Show comments