Fans ni Arjo naiinip na sa kasunod ng dugong buhay

MANILA, Philippines - Sa Linggo na ang Star Awards for Television ng PMPC na iho-host ng twin-brothers na sina Richard at Raymond Gutierrez at ng sisters na sina Toni at Alex Gonzaga.

Sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo, Quezon City gaganapin ‘yon at may delayed telecast sa ABS-CBN sa susunod na Linggo (Disyembre 1).

Pareho namang nominated sa Star Awards for Television ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

Kung si Sylvia ay nominated sa pagka-best supporting actress para sa Be Careful with My Heart, si Arjo naman ay best supporting actor nominee para sa katatapos lang na afternoon series ng Kapamilya network, ang Dugong Buhay, kung saan ay napansin talaga ang kagalingan niya sa pag-arte.

“Like mother, like son” nga ba sila? May nararamdaman ba siyang pressure dahil kilalang magaling na aktres ang kanyang ina?

 â€œHindi naman. More on proud ako kapag sinasabing nagmana ako sa ga­ling umarte ng mommy ko,” sagot ng young actor.

Nanalo na noon si Arjo sa Star Awards for Television bilang Best New Male TV Personality para sa Bangka episode ng Maalala Mo Kaya. This time, ayaw niyang mag-expect agad, pero malaki ang pa­sasalamat niya at napansin ng PMPC ang acting niya sa Dugong Buhay.

Ay siyanga pala, naiinip na ang fans ni Arjo. Sana raw ay magkaroon na uli ng programa ang kanilang idolo. Matagal-tagal na tapos ang Dugong Buhay.

Ang Star Magic ang nagha-handle ng career ni Arjo.

 

Show comments