Amy nagsalita na sa matinding away sa dating mga katrabaho

Kamakailan ay napabalitang nagkaroon daw ng matinding tampuhan o away sa pagitan ni Amy Perez at mga dating katrabaho sa kabilang TV network.

Ngayon ay nagsalita na si Amy sa kauna-unahang pagkakataon tungkol sa isyung ito. “I guess ang nangyari talaga doon siguro, I was in a situation na very emotional ako, na I just gave birth and it was my first time to undergo a cesarean operation and at that time I was very vulnerable, I was very emotional. I was very depressed kasi at the age of 43 having a baby. So siguro ‘yun lang ‘yun, nagkaroon lang siguro ng a couple of misunderstandings during that time,” paglilinaw ni Amy.

  Masayang-masaya ang aktres dahil muli siyang nabigyan ng proyekto sa ABS-CBN na matagal rin niyang naging Kapamil­ya noon. Kasama ni Amy si Roderick Paulate bilang mga host ng The Singing Bee na napapanood tuwing Sabado ng hapon. “‘Yung sa amin we are very thankful na kami ay nabigyan ng opportunity ulit to go back on television, to go back to ABS-CBN. Do’n pa lang na-appreciate namin ni Kuya Dick ‘yun. Na-appreciate din namin ‘yung sobrang warm welcome ng mga Kapamilya lalo na ng mga TFC subscribers, lahat sila happy. So kami ni Kuya Dick, we will just do our very, very best para mapasaya ‘yung mga tao. ‘Yung very light lang, happy, positive, gano’n lang,” nakangiting pahayag ni Amy.

Concert ni Enrique, iba-ban ng fans nila ni Julia?

Sa November 29 na gaganapin sa Araneta Coliseum ang King of the Gil concert ni Enrique Gil. Maraming preparasyon daw ang ginagawa ngayon lalo pa’t ito ang kanyang kauna-unahang major show. “Nagte-training ako sa gym. May coach ako na kinuha, sumasayaw and I check out videos to pump myself up. ‘Yung mga video nina Usher, Justin Bieber so para medyo may idea,” bungad ni Enrique.

Malaking bahagi ng talent fee ng aktor para sa concert ay kanyang ido-donate para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda. “It’s hard to celebrate pero siguro pampasaya lang ito sa lahat ng nangyari. At least ‘yung concert na ‘yun is to make people happy,” giit ni Enrique.

Samantala, pumutok din ang balitang iba-ban diumano ng mga tagahanga ng tambalan nina Enrique at Julia Montes ang nasabing dance concert kapag magiging parte ng palabas si Liza Soberano. Hindi naman daw nagpapaapekto ang aktor sa mga balitang tulad nito.

Matatandaang nagkatambal sina Enrique at Liza sa pelikulang She’s the One na ipinalabas kamakailan. “Minsan kasi may mga fans na nagagalit, nagba-bash, hindi ko pinapansin masyado kasi gusto ko nagco-concentrate sa concert. ‘Yung mga fans minsan naaasar lang sila, naiinis pero lahat sila pupunta sila for the suporta and for the love and gusto ko that night isa kami lahat,” giit ng binata.  Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                   

 

Show comments