Mark may alam kina Derek at Ynna

Nakakuwentuhan namin si Mark Herras nang mag-guest sa isang episode ng Picture! Picture! Hindi raw siya pinalad na manalo, pero nag-enjoy siya sa game show hosted by Ryan Agoncillo. Nanghinayang lang si Mark na hindi nanalo dahil puwede niyang nai-donate sa biktima ng Yolanda ang napanalunan.

Active si Mark sa pagtulong sa mga biktima ng Yolanda at isa siya sa nasa likod ng Sayaw Pilipinas, ang benefit show na gagawin mamaya sa Zirkoh tampok ang mga Kapuso stars. Pati nga kami benentahan nito ng tiket at kahit biktima rin kami ng Yolanda, bumili pa rin kami ng tiket.

Incidentally, alam ni Mark ang isyung  si Derek Ramsay ang nagpakilala kay Ynna Asistio nang mabalitaang break na sila, pero hindi na ito nag-react. Pumalag lang si Mark nang may mag-react sa na-post niyang picture sa Instagram (IG) na nakaakbay siya kay Ynna. Tinira si Ynna at sinabing hindi maka-get over sa kanya. Sagot ni Mark, hindi raw ba puwedeng maging friends ang mag-ex?

Masaya palang ibinalita ni Mark na nabago ang plano ng GMA 7 dahil sa halip na sa Afternoon Prime ilagay ang Rhodora X  na bida si Jennylyn Mercado at isa siya sa kasama sa cast, sa telebabad na ito ilalagay. 

Christopher hindi naniniwalang kayang tumanggi ng INC

Four taping days na lang ang natitira sa Pyra  at magtatapos na ang soap at wish ni Christopher Rojas na bigyan pa siya ng kasunod na show ng GMA7. Happy siya to be working with the network, mabait daw ang mga tao at magaan katrabaho ang lahat. Also, maganda ang project at maganda ang kanyang role.

Magkasama sa soap sina Christopher at Gladys Reyes at natawa kami sa sinabi nitong masaya siya na wala silang eksenang mag-asawa para maiba naman. At least, napu-focus sa kanya ang eksena at hindi sa asawa.

Samantala, hindi naniniwala si Christopher sa nabalitang hindi nagpatuloy ng mga biktima ng Yolanda sa Tacloban ang Iglesia ni Cristo (INC). Hindi siya sure kung maniniwala dahil wala pa siyang nakakausap tungkol sa isyu na naging viral.

Magaling na aktor lantaran ang kabadingan

Naaliw kami sa tsikang unti-unti nang naglaladlad ang isang magaling na aktor (MNA) at pinag-uusapan daw sa taping ng soap na kasama ang actor ang pag-ikot ng mga mata nito sa mga lalake na kasama sa cast. Pati raw sa male staff at crew, tila nagiging interesado ang magaling na aktor.

Minsan, may nilapitan si MNA na isang crew at tinanong kung straight ito. Hindi narinig ng aming source ang sagot ng crew sa tanong ng magaling na aktor.

Matagal nang pinag-uusapan ang seksuwalidad ng magaling na aktor, kaya hindi na nagulat ang mga nakarinig sa tsikang ito. Dapat nga raw, matagal na itong nagladlad para hindi na nahihirapan magtago.

  

 

 

                                                                               

Show comments