Tama, mukhang biglang 100 % turn about ang ginagawa ngayon ni Cristine Reyes. Matapos siyang maging kontrabida sa away nila ng kapatid niyang si Ara Mina at ang mabilis na paghihiwalay nila ni Derek Ramsay na lalong nagpatibay sa pagkakakilala sa kanya ng lahat bilang isang playgirl at bad girl of Philippine movies, sinabi nang hindi lamang napakaseksing aktres kundi napakaganda pa rin na na-realize nila ng aktor na better off as friends sila than lovers.
“Magkaibigan pa rin naman kami. We often communicate, text-text. Ako naman I try to be friends with my exes, tulad nina Rayver (Cruz) at Dennis (Trillo). Dinadalaw ko minsan si Rayver sa house niya. At kaibigan ko mga sister ni Dennis kaya nagkikita kami, nagkuwentuhan.
“Never ko naman nakagalit ang mga exes ko. It’s true na wala namang hiwalayan na maganda, pero ang maganda sa amin, we are able to continue with our friendship even after the breakup,†sabi ng aktres na hindi pa nakahinga ng husto matapos ang trabaho niya sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay heto na naman at kasama sa cast ng Honesto.
“Hindi ko alam kung ano talaga ang role ko, kung magiging bida ako o kontrabida. I’m just excited by the fact na napapanood ito after the news kaya alam ko na mga bata ang karamihang nanonood ng series.
“With Honesto may drive ako na lalo kong pagbutihin ang trabaho ko. I am grateful na naa-appreciate ng mga viewer at maging ng mga boss ko ang effort na ibinibigay ko sa work ko,†sabi ng bad girl of the movies na sa halip na magalit sa ibinibigay sa kanyang title ay natatawa na lang. “At least may title ako,†katuwiran niya.
Maganda ang aura ni Cristine ngayon. Napapansin ito ng lahat.
“Siguro dahil wala na akong problema na dinaÂdala ngayon. Masaya na kami ng pamilya ko. Matutuloy na namin ang biyahe namin, isang world tour na matagal na naming plano pero dahil nga nagkagalit kami ni ate (Ara Mina) kung kaya hindi ito napag-usapan. Ngayong okay na kami, schedule na lang ang aayusin namin at aalis na kami,†masaya niyang sabi.
Inamin ni Cristine na masaya siya kahit walang lalaking pormal na nanliligaw sa kanya ngayon. Pero may mga nagpaparamdam.
“Hindi na kasi uso ’yung dinadalaw ka sa bahay para ligawan. Text-text na lang ngayon and I must admit marami ang nagti-text,†sabi ng aktres.
Wala ring katakut-takot na inamin niya na may nakarelasyon siyang tomboy in the past.
“Nung bata pa. ’Yung isa lasted for just a week. ’Yung pangalawa medyo matagal but not long enough dahil hindi naman ako tomboy din, dala lang siguro ’yun ng kabataan ko, ang maging mapangahas,†katuwiran niya.
Itinuturing niyang isang hamon na mapasama sa cast ng Honesto.
“I feel I will be challenged to become a good girl dahil value-oriented ang show, napakalayo ng chaÂracter sa movie ko na palabas soon. Good girl naman ako talaga kaya lang madalas naaalanganin ako. Playful lang talaga ako na madalas ma-misinterpret ng marami. Hindi naman lahat ng lalaki ay nagiging boyfriend ko,†patuloy na paliwanag niya.
Birthday concert…
May concert to celebrate his 18th birthday ang alaga ng kaibigang Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan. Gaganapin ito sa Zirkoh Morato sa Quezon City on Nov. 26. May title itong 18 MPH at makakasama ni Michael sina Luke Mijares, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Carlo Aquino, Mis Tres, Prima Diva Billy, Willy Jones, AJ Tamisa, Chaz, at Gladys Guevara.